Responsive Ad

Bea Alonzo unang nag-‘I love you’ kay Vincent Co, mas ‘clingy’ din

Bea Alonzo unang nag-'I love you' kay Vincent Co, mas 'clingy' din
Vincent Co at Bea Alonzo

WALANG arte-arteng inamin ng actress-entrepreneur na si Bea Alonzo na siya ang unang nagsabi ng “I love you” kay Vincent Co.

Diretsahang sinagot ng Kapuso actress ang mga ibinatong personal questions kanya sa isang event.

Rebelasyon ni Bea, enjoy na enjoy siya ngayon sa kanyang “wife era” after more than a month mula nang ikasal sila ng kanyang billionaire husband.

“I’m happy with my ‘Wife Era’. I look forward to going home to see him no matter how chaotic the world is, I know that there’s someone waiting for me at home. I’m enjoying this chapter of my life,” masayang pahayag ng aktres.

Sinagot din niya ang tanong kung sino ang unang nagsabi ng “I love you” noong nagsisimula pa lamang ang kanilang love story. 

“Yes. Pero sinagot niya ako agad. As a lover girl, hopeless romantic,” ang tila kinikilig na chika ng akres.

At sa question kung sino sa kanila ng asawa ang mas clingy, “Alam mo buti wala siya rito. Yes, I’m more clingy. Magkaiba kasi kami ng love language. 

Baka Bet Mo: Shirley Kuan inilantad bakit kumalas na kay Bea: Enough is enough

“Siya act of service and quality time at ako naman physical touch and words of affirmation,” sey ni Bea.

Ikinasal sina Bea at Vincent sa isang secret civil wedding ceremony noong July 13, 2026 sa Makati City Hall officiated by Makati City Mayor Nancy Binay. 

The post Bea Alonzo unang nag-‘I love you’ kay Vincent Co, mas ‘clingy’ din appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments