Responsive Ad

Anak ni Ogie Diaz na si Erin winner ng Bronze Award sa int’l cooking contest!

Anak ni Ogie Diaz na si Erin winner ng Bronze Award sa int'l cooking contest!
PHOTO: Facebook/Ogie Diaz

NAKAMIT ni Chef Erin Diaz, anak ng content creator at talent manager na si Ogie Diaz, ang Bronze Award sa nakaraang Wofex (World Food Expo) Manila’s Philippine Culinary Cup.

Ito ay na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay mula July 29 hanggang August 1.

Dala ni Chef Erin ang pangalan ng Rosario Restaurant na matatagpuan sa Gateway Mall 2 kung saan isa siya sa chef doon.

Ilang araw bago ang nasabing kumpetisyon ay naikwento ito sa amin ni Ogie na sasali nga raw ang anak pero nagsabing huwag na naming isulat dahil baka hindi naman mananalo.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa mga feeling ‘maka-Diyos’: Demonyo ang ugali!

Nabanggit pa ni Ogie, “Ang gastos pa lang sumali sa mga ganyang competition sa kaka-practice.”

Paano ngayon, ‘nakakuha ng bronze award, e, ‘di pwede na isulat, Ogie?

Base sa mga larawan ni Erin na ibinandera ni Ogie sa kanyang Facebook account ay sobrang proud siya dahil kahit hindi siya napaakyat sa stage noong nagtapos ito ng kursong Culinary ay may dahilan pala.

“Daddy, finally! Nagka-medal na din ako! Sa school, wala! Dito pa talaga sa competition!” ito raw ang sabi ni Erin sa ama.

Sey pa ni Ogie, “Grabe! Masaya ang puso ko bilang tatay. Kasi, si Erin naman ang nagpaakyat sa akin sa stage para samahan siyang tanggapin ang Bronze Medal sa sinalihan niyang Hamburger Competition sa Wofex Manila’s Philippine Culinary Cup.

“Mahigit 1,200 ang lumahok mula sa Korea, Taiwan, Thailand, Singapore, Hong Kong, Vietnam, Canada, Australia at Russia para sa iba’t ibang categories/challenges.

“Next year, silver or gold naman ang karirin natin, nak! Hehehe!

So proud of you, nak!”

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fogie.diaz.5%2Fposts%2Fpfbid0jh4Nxz6Pw8e2VcJEqoyaR2dLiiaH1cdA8dbXZvgncXTsrVMQhD1CBHA7q5nc42xal&show_text=true&width=500" width="500" height="729" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Kasama ni Erin ang kanyang mentor na si Chef Boom Jota na isa ring award winning Chef, American Food Manager Passer, Vlogger Culinary Consultant.

Matatandaang nitong June 2026 ay nagtapos ang ikalawang anak nina Ogie at Georgette na si Godhie Diaz ng kursong Medical Technology bilang Cum Laude sa University of Santo Tomas na unang beses na umakyat ng state ang mag-asawa para isabit ang medalya.

Kaya nabanggit ng panganay nina Ogie at Georgette, “Daddy, finally! Nagka-medal na din ako! Sa school, wala! Dito pa talaga sa competition!”

At dahil maaga ang kumpetisyon at for sure hindi nakatulog ng maayos si Erin kaya naman nu’ng pauwi na sila ay nakatulog sa sasakyan ang dalaga na kinunan ng tatay niya na ang caption, “Borlog!  Sa pagod!”

Congratulations Erin Pandaan!

The post Anak ni Ogie Diaz na si Erin winner ng Bronze Award sa int’l cooking contest! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments