Bangs Garcia nabawi ang pagiging Pinay, naging dual citizen na!

MULING nakuha ng dating aktres na si Bangs Garcia ang pagiging Philippine citizen.
‘Yan ay matapos siyang maging opisyal na dual citizen ng Pilipinas at United Kingdom.
Sa isang Instagram Post, proud na ibinandera ni Bangs ang magandang balita kalakip ang picture na may hawak na certificate sa harap ng watawat ng Pilipinas.“Dual citizenship: unlocked today! Officially Filipino (again) & British!” caption niya sa post.
Matatandaang dalawang taon na ang nakalilipas nang ibunyag ni Bangs na isa na siyang British citizen.
Baka Bet Mo: Bangs Garcia muntik maaksidente kasama mga anak: God’s hand is real
Noong July 2024, sinabi ng aktres na opisyal na siyang nanumpa ng katapatan kay King Charles III at sa United Kingdom, pitong taon matapos niyang pakasalan ang kanyang British husband na si Lloyd Birchmore.
Ikinasal sina Bangs at Lloyd sa isang civil ceremony sa England noong 2017, bago sinundan ng isang pribadong church wedding at beach wedding sa Boracay.
Sa kasalukuyan, naninirahan ang mag-asawa sa United Kingdom kasama ang kanilang dalawang anak na sina Amelia at Isabella.Nakilala si Bangs matapos maging runner-up sa talent search ng ABS-CBN na “Close-Up to Fame” noong 2005.
Sa parehong taon ay ginawa rin niya ang kanyang acting debut sa “Daddy Di Do Du” at sumubok ding maging bahagi ng unang teen edition ng “Pinoy Big Brother.”
Noong 2011 ay kinilala siya bilang Best Supporting Actress sa PASADO Awards para sa pelikulang “Segunda Mano.”
Muli siyang pinarangalan ng PASADO Awards noong 2013 dahil sa mahusay niyang pagganap bilang title character sa period psychological thriller na “Lauriana.”
Kabilang din sa mga proyektong kanyang pinagbidahan ang “Bulong,” “Palos,” “Shake, Rattle & Roll XI,” “Katorse,” at “Kambal sa Uma.”
The post Bangs Garcia nabawi ang pagiging Pinay, naging dual citizen na! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments