Anne Curtis muling napansin dahil sa ‘bukol’ sa leeg, netizens naalarma

MARAMI sa mga netizens ang nakaramdam ng pangamba para sa TV host-actress na si Anne Curtis matapos mapansin ang tila umbok o bukol sa bandang leeg niya.
Sa video na inilabas nila para sa kanilang collab business ng kapwa aktres na si Bea Alonzo, marami sa mga netizens ang nakapansin na tila may something sa leeg ng “It’s Showtime” host.
Halata ito sa tuwing gigilid si Anne at maski nang yumuko ito para kunin ang produktong sa la mesa ay mapapansin na parang may bukol sa leeg ni Anne.
Agad namang nagpaabot ng kanilang concern ang madlang netizens na baka kinakailangan na ng medical attention ang tila bukol sa leeg.
Baka Bet Mo: Anne Curtis nagsalita na sa pambabastos ni Suntay: I will be seeking legal advice
Hinala ng mga netizens, baka may problema si Anne sa kanyang thyroid dahilan kung bakit tila may parang bukol ito sa leeg.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging laman ng usap-usapan sa social media ang aktres.
Una na itong namataan ng netizens noong February 2026 nag umawra-awra si Anne sa isang video na uploaded sa kanyang social media platforms matapos ang kanyang performance sa “ASAP Natin To!”
Ang ilan ay nagsasabing dapat magpatingin na ang celebrity mom sa doktor dahil mukhang may problema ito sa thyroid.
Wala namang naging opisyal na pahayag o paglilinaw si Anne tungkol sa kanyang kalusugan.
Samantala, may ilan namang to the rescue at sinabing baka hindi naman talaga thyroid ang problema ng aktres.
“Let’s not judge the outer surface. I had the same problem and it turns out it wasn’t my thyroid, it was fats na hindi natutunaw easily. I was only 14 years old when I had it checked. Historically, I was a fat kid growing up then lost a lot of weight. I opted not to get surgery cause its just a cosmetic issue. We were more concerned if maybe it was a real thyroid problem,” sey ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “Same problem with Anne, wala nmn thyroid [problem], medyo mataba lng talaga ang fats namin sa leeg.”
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng TV host-actress hinggil sa isyu.
The post Anne Curtis muling napansin dahil sa ‘bukol’ sa leeg, netizens naalarma appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments