Sharon Cuneta biniro si PBBM sa running mate noong 2022: Mali your choice, no?

TINUKSO ni Megastar Sharon Cuneta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos hinggil sa nagdaang national elections noong 2022.
Nitong Huwebes, February 12, biniro muna ng singer-actress ang pangulo at ang asawa nitong si First Lady Liza Araneta-Marcos bago nito kantahin ang kanilang request.
“Sir, I have only one vice president… My date tonight. Mali your choice, ‘no?” saad ni Sharon sa presidente.
Agad namang nagtawanan ang mga manunuod na nasa Foro de Intramuros sa Maynila.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta nakuha na senior citizen card: Heto na siya! Yahoooo!
Pagpapatuloy ni Sharon, “Okay, okay. Let’s move on.”
Sa huli ay inihayag naman ng mang-aawit ang kanyang pagsuporta sa pangulo.
“Basta, Mr. President, you have my support,” sabi pa ni Sharon.
Dumalo ang Megastar sa naturang event kasama ang kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan.
Matatandaang noong 2022, kumandidato si Sen. Kiko sa pagka-bise presidente at ang running mate nito ay ang dating vice president na si Atty. Leni Robredo.
Samantala, ang kalaban nitong partido na sina Pres. Bongbong Marcos at running mate nitong si VP Sara Duterte ang nagwagi noong 2022 national elections.
The post Sharon Cuneta biniro si PBBM sa running mate noong 2022: Mali your choice, no? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments