Love Kryzl waging-wagi, bagong single na ‘Heart’s in Bloom’ nakaka-LSS
BONGGA ang bagong single ng young singer na si Love Kryzl na may titulong “Heart’s in Bloom” na siya mismo ang nag-compose.
In fairness, nakaka-LSS ang ikaanim na song ni Love Kryzl na live niyang kinanta sa naganap na media launch nitong nagdaang January 31 sa Academy of Rock sa Quezon City.
After nga niyang mag-perform halos lahat ng um-attend sa presscon ay kinakanta na ang chorus ng “Heart’s in Bloom.”
Ang “Heart’s In Bloom” ay personal na isinulat ni Kryzl Jorge, hango sa kanyang hangaring salubungin ang bagong taon ng may linaw, pag-asa, at emosyonal na pag-unlad.
Hatid ng awitin ang isang makapangyarihan ngunit banayad na mensahe – na hindi kailangang maging maingay o perpekto ang mga bagong simula—sapat na ang maging tapat.
Ipinanganak ang kanta mula sa mga tunay na yugto ng paghilom, paglago, at tahimik na katatagan. Sinasalamin nito ang pagpiling bumangon matapos ang sakit, makakita ng liwanag matapos ang dilim, at yakapin ang pag-ibig matapos ang bawat aral ng buhay.
Nabuo ang awitin sa gabay ng voice coach ni Kryzl na si Rachel Ann Pegason Alejo, na siya ring nag-ayos at nagpino ng komposisyon para lubos na maipahayag ang emosyon at mensahe sa himig at pagbibigay-buhay sa boses.
Ang “Heart’s in Bloom” ay ipinrodyus ng Purple Hearts Production, na lalo pang nagpatibay sa vision ng record label na lumikha ng musikang may layunin, mapuso, at may kabuluhan.
Higit pa sa musika, patuloy na nangunguna si Kryzl sa malasakit at layunin.
Sa paghahanda niya para sa kanyang ika-10 kaarawan ngayong Hulyo, nananatili ang kanyang matibay na adbokasiya sa pagse-share ng blessings.
Kaugnay ng makabuluhang yugto na ito, susuportahan niya ang 10 organisasyon o indibidwal sa pakikipagtulungan sa Purple Hearts Foundation, bilang patunay ng kanyang pusong handang maglingkod.
Bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang 10th birthday, tinatapos din ni Kryzl ang 10 orihinal na kanta na itatanghal sa kanyang nalalapit na konsiyerto.
Upang suportahan ang malikhaing paglalakbay na ito, maglalabas ang Purple Hearts Production ng buwanang music videos ng mga kanta ni Kryzl sa buong taon—na magbibigay-daan sa publiko na masaksihan ang kanyang artistikong paglago, kuwento kada kuwento.
Ang una niyang limang orihinal na awitin ay mapakokinggan na sa Spotify, Apple Music, at sa Love Kryzl’s World YouTube channel.
Ang “Heart’s in Bloom” ay higit pa sa isang kanta—isa itong pagpapahayag ng pag-asa, paglago, at tunay na kahulugan ng pag-ibig.
The post Love Kryzl waging-wagi, bagong single na ‘Heart’s in Bloom’ nakaka-LSS appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments