Responsive Ad

Babaerong aktor may bagong natitipuhang magandang aktres, mabobola niya kaya ito?

Babaerong aktor may bagong natitipuhang magandang aktres, mabobola niya kaya ito?
blind item

SANA hindi mabola ang magandang aktres ng babaerong aktor dahil type na type siya.

Napapansin ng co-actors ang babaerong aktor na panay ang tingin niya sa magandang aktres at lihim itong napapangiti. 

Wala namang nabanggit sa amin kung napapansin ito ng aktres.

Mahusay mambola ang babaerong aktor at halos lahat ng type niyang personalidad ay nakukuha niya, ‘yun nga lang hindi naman niya maipagmalaking “girlfriend” niya dahil may karelasyon siya.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz may pa-‘blind item’, sino kaya ang 2 artista na nang-ghost sa kanya?

Sa madaling salita palipas oras sana niya ang mga natitipuhang babae at dahil medyo bata pa ang magandang aktres ay iisa ang sinasabi ng lahat ng kakilala ni babaerong aktor, sana hindi mabola ang dalaga dahil sayang naman ang career na pinaghihirapan niya.

Sa kasalukuyan ay walang karelasyon daw ang magandang aktres dahil karera ang kanyang prayoridad na matagal niyang hinintay kaya’t ngayong may mga offers ay pagbubutihin niya ito at tsaka na ang lovelife.

May nagtangkang manligaw sa magandang aktres pero nagpakita ng kawalan ng interes ang dalaga kaya hindi na nagtuloy ang binata na marami ring nagkakagusto. 

Ending, tropa na lang ang dalawa ngayon.

Going back kay babaerong aktor ay may anak sa ibang aktres at pinutol na nito ang ugnayan niya sa ina ng kanyang anak simula pa noong sanggol ito kaya ang bagets ay hindi niya alam na ang kinikilala niyang tatay ay hindi niya biological father.

The post Babaerong aktor may bagong natitipuhang magandang aktres, mabobola niya kaya ito? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments