Responsive Ad

#WalangPasok: Mga klase, trabaho sa NCR at iba pang lalawigan ngayong July 25

#WalangPasok: Mga klase, trabaho sa NCR at iba pang lalawigan ngayong July 25

SUSPENDIDO ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa Metro Manila at 34 pang lalawigan ngayong Biyernes, July 25.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), ito ay dahil sa bagyong Emong na lumakas at naging isang Typhoon.

“Classes in all levels are included, as well as Tesda (Technical Education and Skills Development Authority) learners,”sey ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa isang advisory.

Dagdag pa niya, “Government offices also will not have work. But, government frontline workers will have work. Others will have a hybrid system in place, according to their respective agencies.”

Baka Bet Mo: Kalma lang! Mga dapat tandaan sa tuwing may bagyo, pagbaha

Batay sa abiso ng DILG, ang mga lugar na sakop ng suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno ay ang mga sumusunod:

  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Benguet
  • Pangasinan
  • Zambales
  • Bataan
  • Occidental Mindoro
  • Ilocos Norte
  • Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Tarlac
  • Pampanga
  • Cavite
  • Laguna
  • Batangas
  • Apayao
  • Cagayan
  • Kalinga
  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Aurora
  • Nueva Ecija
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Quezon
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte
  • Albay
  • Marinduque
  • Romblon
  • Oriental Mindoro
  • Palawan

Muling paalala ng DILG na ang mga frontline workers sa gobyerno ay kailangang pumasok, habang ang iba naman ay maaaring magpatupad ng hybrid o flexible work arrangements, depende sa patakaran ng kanilang mga ahensya.

Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na maging alerto at sumubaybay sa mga susunod na abiso mula sa DILG at PAGASA para sa kanilang kaligtasan.

The post #WalangPasok: Mga klase, trabaho sa NCR at iba pang lalawigan ngayong July 25 appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments