Snooky super crush si Gabby noon, hindi lang umamin: ‘It could have been me!’

NAGKAROON pala ng feelings si Snooky Serna kay Gabby Concepcion noong panahon ng kanilang loveteam?
Ito ang naging rebelasyon mismo ng batikang aktres sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan lang.
“Na-infatuate talaga ako,” pag-amin niya sa panayam.
Giit pa niya, “Sincere ‘yan ah, nakakahiya [na] sinasabi ‘to pero totoo. This is not showbiz talk, pagpo-profess na ito ng pagmamahal kay Gabby.”
Baka Bet Mo: Snooky Serna maligayang-maligaya sa piling ng dyowang politiko
Aminado rin siyang super crush talaga niya ang veteran actor noong kabataan niya.
“Kasi ‘di ba ‘pag bata ka, you have crushes. Ang talagang super crush ko si Gabs,” wika niya, na tila bumalik sa teenage version ng sarili niya habang kinukwento ito.
Pero dahil conservative times daw noon, hindi niya nasabi kay Gabby ang tunay niyang nararamdaman!
“Pero ngayon na para bang nagkaka-edad na, para bang ‘Oh it’s now or never,’ you know? Joke!” dagdag pa niya, sabay tawa.
Sinabi rin niya na hindi rin siya niligawan ng aktor noon.
Kasunod niyan ang kanyang biro na kung umamin siya noon ay siya sana ang naging asawa ni Gabby imbes na si Sharon Cuneta, bago sila naghiwalay noong 1987.
“Isa siya sa pinakagwapong artista nu’ng henerasyon namin. Today, totoo nga talaga ‘yung beauty ni Gabby, classic. Never fading ‘yung beauty niya. It’s forever. Wow, I’m gushing,” saad ni Snooky, na halatang super fan mode pa rin hanggang ngayon.
May pa-confession pa siya tungkol sa mga eksena nila ngayon: “Kapag kami ngayon magka-eksena, talagang minsan lumilipad ‘yung utak ko kasi ‘yung tinitingnan ko ‘yung lips ni Gabby […] Para bang iniisip ko, ‘It could have been me. Pagbigyan niyo na ako. If anything, ako ay tagahanga ni Gabby.”
Matatandaang nagkasama sina Snooky at Gabby sa mga pelikulang “Under-age,” “Miracle of Love,” “Story of Three Loves,” at “Hello, Young Lovers.”
At recently lamang, muli silang nagkatambal bilang mag-asawa sa afternoon soap na “My Father’s Wife.”
The post Snooky super crush si Gabby noon, hindi lang umamin: ‘It could have been me!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments