Vice sa Showtime: This is my life! Lahat ng kaya kong gawin, ise-save ko siya!

HANDANG gawin lahat ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda para sa programa nilang “It’s Showtime” na napapanood sa GMA 7 at Kapamilya Channel.
Talagang ipaglalaban daw niya ang kanilang noontime show sa paraan kung paano din niyang ipinaglalaban ang sariling buhay at ng kanyang pamilya.
Napag-usapan kasi ang mga pinagdaanang pagsubok ng “It’s Showtime” lalo na noong kasagsagan ng pandemya at ng pagsasara ng ABS-CBN.
“I will never allow that family or that program just vanish, or just lose. I will never allow ‘Showtime’ to lose. I will fight for it just like fighting for my life.
“Because ‘Showtime’ is my life now. I’m so obsessed to it,” ang pahayag ni Vice sa nakaraang episode ng “KC After Hours”.
Pagpapatuloy ng TV host-comedian, “Kaya sabi ko nga, this is fighting for my life because this is my life. So, I will not allow my life to be just wasted, ‘yung parang naglaho na lang siya tapos what happened.
“Ise-save ko siya (Showtime). Lahat ng kaya kong gawin, ise-save ko siya. Ise-save ko ‘yung mga kasama ko sa bahay na ‘yun,” ang dire-diretso pang sabi ni Vice.
Aniya pa, napakaraming magagandang bagay at pangyayari sa buhay niya nang dahil sa “It’s Showtime” kaya naman talagang handa niyang gawin ang kahit na ano para sa kanilang programa.
Ngayong 2025, magse-celebrate na ng kanilang 16th anniversary ang “It’s Showtime” kaya naman siguradong pinaghahandaan na ito ng buong production.
Kasama pa rin ni Vice sa show sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Ogie Alcasid at marami pang iba.
The post Vice sa Showtime: This is my life! Lahat ng kaya kong gawin, ise-save ko siya! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments