‘Shrek The Musical’ naghahanap ng batang Fiona, auditions sa July 19 to 20 na

MIRROR, mirror on the wall, sino ang magiging next young at teen Fiona para sa inaabangang “Shrek The Musical?”
Kung ikaw ay isang batang babae na may edad 10 hanggang 12 o isang dalagita na may edad 14 hanggang 16 at may boses na kasing kinang ng korona ni Princess Fiona –ito na ang iyong swamp-tacular na pagkakataon!
Inanunsyo ng Newport World Resorts na bubuksan nila ang open call auditions para sa mga nasabing role ngayong July 19 at 20, Sabado at Linggo, sa Newport City sa Pasay.
Ang registration ay mula 10 a.m. hanggang 12 noon, habang ang auditions ay 1:00 p.m. hanggang 5:00p.m.
Baka Bet Mo: REVIEW: ‘Liwanag sa Dilim’ musical play walang katulad, winner ang visuals, istorya
Kailangan lang dalhin ang iyong updated CV, isang 3R headshot, at full-body photo.
At higit sa lahat, handa ka bang awitin ang “I Know It’s Today” na parang ikaw na talaga si Fiona?
Ang hanap ay soprano vocal range mula B3 hanggang C#5—kaya kung abot mo ‘yan, go ka na, girl!
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fnwr.musicals%2Fposts%2Fpfbid0FX41eRzo2Z5z8Qz8o4xQRyrQLbq2fHbWtgkvRUjQo6XYgbY9dnzJpaHtjNnZ9Zm1l&show_text=true&width=500" width="500" height="731" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Pero huwag din kampante dahil ang rehearsals ay magsisimula sa August 18 ng 2:00 p.m. hanggang 9:00 p.m., at tatagal pa hanggang 11:00 p.m. kapag Tech Week na.
Ang “Shrek The Musical” ay magbubukas sa Newport Performing Arts Theater simula October 31hanggang Disyembre.
Produced ito ng FHTC Entertainment, base sa pelikula ng DreamWorks Animation at sa librong isinulat ni William Steig.
Ang Broadway hit na ito ay may lyrics ni David Lindsay-Abaire, musika ni Jeanine Tesori, at presented sa pamamagitan ng special arrangement sa Music Theatre International (MTI), New York, USA.
Kung may katanungan, maaari kang mag-email sa info@fhtcentertainment.com.
Ang tickets para sa naturang show ay nagkakahalaga ng P1,500 hanggang P4,500, na mabibili sa TicketWorld, Newport World Resorts Box Office, at Helixpay.
The post ‘Shrek The Musical’ naghahanap ng batang Fiona, auditions sa July 19 to 20 na appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments