Melai nag ala-’calendar girl’ sa kanyang birthday: ‘OMG! Panalo!
PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco
SA dami ng paandar ngayong Abril, isa na namang certified laughtrip moment ang ibinahagi ng actress-comedienne na si Melai Cantiveros.
Ibinandera niya ang ilang pictures ng kanyang version ng pagiging calendar girl!
Ang nakakatuwang Instagram post ay isinabay pa niya mismo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw, April 6.
Ayon kay Melai, ang naging inspirasyon niya ay ‘yung sexy birthday posts nina Kathryn Bernardo at Ivana Alawi.
“Akala niyo @bernardokath and @ivanaalawi kayo lang magaling sa ganito na posing????????” bungad niya sa caption.
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim
Pero Melai being Melai, tinawanan na lang niya ‘yung pasabog niya dahil na-realize niya raw na hindi pa rin niya matatalo ang dalawang sikat na aktres.
Proud niya ring tinawag na “Birthday Bash” ang kanyang post dahil literal daw siyang maba-bash sa kinalabasan ng mga photos!
“Tama ang akala niyo kayo lang talaga kasi pangit ng kalabasan ko dito hahahaha [laughing emojis],” wika niya.
Kasunod niyan ay nagkaroon pa siya ng mensahe para sa mga katulad niyang nagse-celebrate ng kaarawan.
“Shoutout diyan sa mga Kuantie and mga Momshie na ready ang Tuba at Bahalina sa birthday na may kasamang chismisan pa [lips, thumbs up emojis] The Best [heart fingers emoji] Happy Birthday to me,” sey ni Melai.
At syempre, lubos din siyang nagpasalamat sa mga nabudol niya sa pictorial na ‘to.
“Pagbigayn niyo na ako birthday ko naman [heart fingers, smiling face with heart emojis],” sambit niya sa post.
Aniya pa, “Promise ‘di na ‘to mauulit [folded hands emoji]
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming fans at kapwa-celebrities ang aliw na aliw sa naging pasabog ni Melai.
“@mrandmrsfrancisco nak, wala ka talagang kapantay. Maluha luha ako hagalpak sa kakatawang mag isa sa post mong ito. Nalasing sa tuba hangang masuka talagang full coverage ang kalendaryo mo. Unique! Ikaw lang at ikaw na!” komento ni John Arcilla.
Lahad ni Ivana, “HAPPY BIRTHDAY!!! WALA NA TINAPOS MO NA ANG LABAN [queen, red heart emojis]”
Wika naman ni Eugene Domingo, “Ahahahahhaa da best!!! It’s a YES!!!”
Saad ni Robbie Domingo, “GRABEEE KAAA [laughing emojis]”
Ani naman ni Charlie Dizon, “Winnerrr!! Happy birthday Ate Melai!!! [red heart emojis]”
The post Melai nag ala-’calendar girl’ sa kanyang birthday: ‘OMG! Panalo! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments