Responsive Ad

Matet de Leon sa mga tampuhan nila ni Nora Aunor: I’m still full of regrets

Matet de Leon sa mga tampuhan nila ni Nora Aunor: I'm still full of regrets

Matet de Leon at Nora Aunor

KITANG-KITA sa mga mata ni Matet de Leon ang sobrang pagod at puyat nang makita namin sa huling gabi ng lamay ng kanyang inang si Nora Aunor.

Sandali naming nakachikahan ang aktres sa last night ng burol ni Ate Guy sa Heritage Park sa Taguig City nitong nagdaang Lunes, April 21 pagkatapos dumalaw sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Marcos.

Sa kabila ng mabigat na nararamdaman sa pagkawala ng ina, pinipilit pa rin ni Matet pati na ang kanyang mga kapatid na sina Lotlot, Ian, Kenneth at Kiko de Leon, na asikasuhin ang lahat ng nakikiramay sa kanila.

Muli na namang napaiyak si Matet nang magbigay ng kanyang eulogy sa last night ng burol para kay Ate Guy kung saan inalala niya ang naging hidwaan nilang mag-ina.

“Siyempre hindi naman po lingid sa kaalaman ng lahat na may mga ano kami ni Mommy.

“Ako po ang…according to her good friends na nag-aalaga sa kanya, palagi daw po akong binabanggit ni mommy sa kanila as ‘yung anak niyang sutil,” simulang pagbabahagi ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Meron po kaming mga hindi pagkakaintindihan, maraming times na hindi po kami nakakapag-usap.

“‘Yung mga kapatid ko po nakakausap nila si mommy pero ako hindi masyado. Ayoko po magsalita dahil I am still full of regrets,” sey pa ni Matet.

“Alam mo na, Ma, kung ano po ‘yung sinabi ko sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo, Mommy. Pahinga na po kayo,” aniya pa.

Malamang ang tinutukoy ni Matet ay ang hindi nila pagkakaunawaan noon ni Nora tungkol sa ibinebenta nilang gourmet tuyo.

Pumanaw noong Miyerkules Santo, April 16, si Nora Aunor sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure. Inihatid siya sa huling hantungan kahapon, April 22, sa Libingan ng mga Bayani.

The post Matet de Leon sa mga tampuhan nila ni Nora Aunor: I’m still full of regrets appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments