Kris Aquino napalapit sa pamilya ng ni Doc Mike, nag-sorry

HUMINGI ng paumanhin ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga kapamilya ng kanyang dating karelasyon na si Dr. Mike Padlan na naging malapit na sa kanya.
Sa latest Instagram update ng TV host-actress ay binasag niya ang katahimikan hinggil sa mga lumabas na isyu matapos niyang amining hiwalay na sila ng doktor.
Ilan na rito ay ang paghingi ng tawad ni Kris sa mga kaanak nitong naging malapit sa kanya na itinuring na rin niyang pamilya.
Aniya, noong siya ay nasa Amerika pa ay nakilala niya ang ilang family members ng doktor na nakatira sa Bay Area.
Baka Bet Mo: Kris Aquino hindi gumagawa ng ‘false stories’: I DO NOT LIE
View this post on Instagram
Nang minsang binisita si Kris ng nakababatang kapatid ni Dr. Mike ay kasama raw nito ang mga pamangkin na pinangalanan niya bilang “Pokemon” at “Lego”.
Naging kaibigan raw ng kanyang mga anak na sina Bimby at Josh si Pokemon dahil nanatili pa ito sa bahay ng TV host nang bumalik ang doktor sa Pilipinas.
Kasa-kasama pa nga raw ng mga anak ni Kris si Pokemon sa mga pasyal nito at pinag-shopping ng mga damit at laruan. Pinabilhan rin niya ng laruan na iuuwi sa Pilipinas na para naman kay “Lego”.
Nakilala lamang niya si Lego nang makauwi siya sa Pilipinas na talagang nagbigay saya sa kanyang buhay.
Lahad ni Kris, “Meeting ‘Lego’ when I got back was unfiltered joy. He talks nonstop and asks intelligent questions.
“Both ‘Pokemon’ and ‘Lego’ loved steak & shrimp/prawns just like Kuya & Bimb, who cooked often for ‘Pokémon’ while we were in OC.”
Kaya naman humingi siya ng tawad at hiling na sana ay mabasa ng dalawa ang kanyang mensahe.
Mensahe niya sa dalawa: “Mama Kris is VERY SORRY for making you angry and sad because of what I posted.
“I was wrong in not considering the impact it would have on both of you. You both brought sunshine and laughter when I most needed it.
“I know I am no longer deserving to be your Mama Kris…
“BUT even if I had known things would end up this way—except for hurting the 2 of you, your mommy, and your Tita Judith—I would still have chosen to give loving one more attempt; I can say that, because I got the chance to love you.”
The post Kris Aquino napalapit sa pamilya ng ni Doc Mike, nag-sorry appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments