Responsive Ad

Joseph Estrada present sa huling lamay ni Nora Aunor: Mabigat tanggapin…

Joseph Estrada present sa huling lamay ni Nora Auno: Mabigat tanggapin...

Joseph Estrada, Jinggoy Estrada at Jude Estrada

SA kabila ng kanyang health condition, talagang naglaan ng panahon ang dating Pangulong Joseph Estrada para madalaw ang yumaong National Artist na si Nora Aunor.

Sa huling gabi ng wake ni Ate Guy sa Heritage Park sa Taguig City, dumating si Erap na itinuturing na ring haligi at icon ng Philippine entertainment industry.

Akay-akay si Erap ng kanyang mga anak na sina Sen. Jinggoy Estrada at Jude Estrada nang pumasok sa chapel kung saan nakaburol ang kanyang kaibigan at dating partner.

Medyo hirap nang maglakad ang movie icon pero mukhang matikas pa rin ang dating nito. Magiliw din siyang ngumiti sa mga taong naabutan niya sa lamay.

Bago siya dumalaw sa last night ng wake ni Nora, naglabas na ang dating Pangulo ng mensahe sa pagpanaw ng Superstar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya, ang pagkamatay ni Ate Guy ay hindi lamang kawalan sa entertainment industry kundi sa buong sambayanang Filipino.

“Malalim ang pinagsamahan namin kaya’t mabigat tanggapin ang balita ng kanyang pagpanaw…

“Isinabuhay niya ang pag-asa sa mga taong nagsusumikap abutin ang kanilang pangarap gamit ang puhunan na angking galing sa pag-awit at husay sa pag-arte sa harap ng kamera,” pahayag ng dating presidente.

“Mananatiling buhay sa alaala ng lahat ang kanyang mga naging ambag sa industriya ng pelikulang Filipino.

“Ang kanyang ningning ay hindi kailanman maglalaho,” dagdag pang pahayag ni Joseph Estrada.

Ilan sa mga pinagsamahang pelikula ng dalawang showbiz icon ay ang “Bakya mo Neneng” (1977) at “Erap Is My Guy” (1973).

The post Joseph Estrada present sa huling lamay ni Nora Aunor: Mabigat tanggapin… appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments