Maris Racal walang hiya-hiya sa Gala Night: ‘Nagugutom ako, ate!’

Maris Racal at Anthony Jennings
SA NAKARAANG Gala Night ng “Olsen’s Day”, entry sa CinePanalo Film Festival 2025 na ginanap sa Gateway ay scene stealer si Maris Racal bilang bisita ng isa sa cast ng pelikula, si Nour Hoosmand.
Mag-bestfriend sina Maris at Nour kaya sinuportahan ng dalaga ang pelikula ng huli at kaya agaw-eksena ang “Incognito” star ay dahil ang daming nagpapa-picture sa kanya.
Balita nga namin ay may tumawag pa sa kanya ng “Gab” na karakter niya sa serye kasama sina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler, Anthony Jennings, Kaila Esrtrada at Richard Gutierrez
“Nakakatuwa si Maris, sobrang proud siya kay Nour dahil talagang pinaglaanan niya ng oras knowing Maris, mega busy rin siya,” sabi ng katotong nakatsikahan ang aktres.
Napansin din ng ilang nakakita kay Maris na wala itong arte sa katawan dahil hindi siya nahiyang nagsabi ng, “nagugutom ako, ate” na kinunan naman siya ng pagkain.
‘Yun din ang napansin namin sa aktres nu’ng ilang beses namin siyang nakapanayam, wala siyang hiya-hiya dahil kung ano ang nararamdaman niya ay sinasabi niya.
View this post on Instagram
Feeling nga namin ay hindi siya umaarte bilang si Gabriela sa “Incognito” dahil napaka-natural ng pagde-deliver niya ng mga linya niya o baka naman adlib ito kaya flawless ang dating.
Naalala tuloy namin ‘yung eksenang pina-dognap niya kay Tom G na tawag ni Maris kay Anthony Jennings ang mga alagang giant poodle na sina Bud at Dy na sobrang trending ang reaksyon niya.
At isa pang gusto naming eksena ay ang sagutan nila ng tatay niyang si Joel Torre dahil nga Ilonggo ang gamit nilang salita at napakadaling bigkasin ito ng dalaga kaya tsinek namin kung tagasaan siya at hayun, sa Tagum, Davao del Norte pala ipinanganak at nagtapos ng high school.
Eksenang tinalakan ni Maris ang tatay Joel niya dahil sa kabit nito, dahilan kung bakit namatay ang ina at doon pa raw ginagawa ang harutan nila sa bahay ng mama niya.
Anyway, curious kami kung ano na ang latest kina Maris at Anthony, kung bati na ba sila o civil lang dahil nga may project silang “Incognito” at hindi pa sila tapos mag-shoot.
Ang tambalan pala nila ang inaabangan sa serye kung ano ang mangyayari dahil lagi silang nagbabangayan na baka mauwi ang karakter nila sa pag-iibigan.
The post Maris Racal walang hiya-hiya sa Gala Night: ‘Nagugutom ako, ate!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments