Responsive Ad

Runaway groom arestado matapos i-blackmail ang iniwang bride

Runaway groom arestado matapos i-blackmail ang iniwang bride

Stock Photo

HIMAS-REHAS ngayon ang isang lalaki matapos umanong pagbantaan at i-blackmail ang dati niyang bride.

Inaresto ng pulisya ang dating groom mula sa Calabanga, Camarines Sur dahil sa reklamo ng ng kanyang ex-fiancée na tumanggi nang makipagbalikan sa kanya.

Sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng Regional Anti-Cybercrime Unit-Bicol kamakailan, base sa reklamo ng ex-bride, nasakote nga ang naturang suspek.

Nadakip ang suspek sa Quiapayo Church, na ilang layo lamang ang metro sa lugar kung saan sana magtatagpo ang dating bride at groom na bahahi nga ng entrapment.

Base sa salaysay ng biktima, ilang beses na siyang pinagbabantaan ng dati niyang karelasyon na ipo-post daw sa social media ang maseselan at private photos niya kapag hindi siya nakipagbalikan.

Baka Bet Mo: Enchong Dee pak na pak ang pagiging transwoman; Kaladkaren hirap na hirap magpakalalaki

Ayon kay Camarines Sur Anti-Cybercrime Response Team (RACU Bicol) Police Capt. Angelo Babagay, sinabi ng dating bride na ayaw na niyang balikan pa ang suspek dahil sa hindi nito pagsipot sa kanilang civil wedding.

“Naka-schedule na ‘yung kasal nila sa sibil pero hindi dumating itong lalaki. Siya pa ang may ganang magalit.

“Wala raw ‘yun budget ang rason nitong suspek du’n nagalit itong complainant so ang ganti naman nitong suspek may pananakot na,” pahayag ni Babagay.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong grave coercion at paglabag sa Violence against Women and their Children Act at Cybercrime Prevention Act.

Nakatakda rin siyang sampahan ng reklamo dahil sa paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act dahil sa mga ipinost nito sa social media tungkol sa dati niyang bride.

The post Runaway groom arestado matapos i-blackmail ang iniwang bride appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments