Responsive Ad

Kim Chiu ibinuking si Vice Ganda na nagka-‘dengue’: ‘Okay na platelets ko!’

Kim Chiu ibinuking si Vice Ganda na nagka-‘dengue’: ‘Okay na platelets ko!’

Kim Chiu, Vice Ganda

TILA naloka si Vice Ganda matapos ibunyag ni Kim Chiu sa madlang pipol na nagka-dengue ang komedyana.

Ito ay sa gitna ng kanilang batuhan ng linya sa noontime show na “It’s Showtime” noong Miyerkules, February 26.

Nagsimula kasi ito nang magpasalamat si Vice sa isang diagnostic clinic na nag-alaga sa kanila ng partner na si Ion Perez habang may sakit.

“Okay na po ang platelets ko kaya thank you very much. Normal na ulit,” sey ni Vice.

Mensahe pa nga niya sa mga nanonood, “Madlang people, keep hydrated ha. Napakahalaga ng hydration.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu ipina-feng shui si Paulo Avelino: OK ang dragon at horse

Humirit naman si Kim at sinabing: “Buti okay ka na ngayon, ma. Pero kahit may dengue ka, nagtrabaho ka pa rin.”

Bigla namang tumawa nang malakas si Vice at pabirong kinompronta ang co-host: “Talagang in-out mong nagka-dengue ako.”

Tawang-tawa naman ang iba pa nilang kasamahan at sambit ni Darren Espanto kay Kim, “Bestie, hanggang group chat lang dapat natin ‘yun.”

Nagpipigil ng tawa si Kim at bumawi kay Vice: “Pero magaling ka na!”

Kasunod niyan, ipinaliwanag ng komedyana na hindi niya alam na nagka-dengue na siya at naging aware lang siya dito ‘nung paggaling na siya sa sakit.

“Mataas ang immune system ko; kumpleto ako sa mga bitamina at tsaka healthy living na ako,” giit niya kung bakit siya nakapagtrabaho kahit masama ang pakiramdam.

Recently lamang, iniulat ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagtaas ng kaso sa dengue.

Base sa naitala nila mula Enero hanggang February 15 ngayong taon, umabot na ito sa mahigit 43,000 cases nationwide.

Sa katunayan nga ay nagdeklara na ng dengue outbreak ang Quezon City last week.

Narito ang ilang paalala ng QC government para maiwasan ang pagkakaroon ng maraming lamok sa tahanan at kapaligiran na nagiging sanhi ng sakit na dengue:

– Gumamit ng insect repellant

– Magsuot ng protective clothing – long sleeves at long pants

– Panatilihing malinis ang labas at loob ng inyong mga tahanan

– Sirain ang mga maaaring pamahayan ng dengue at iwasan ang pag-imbak ng tubig

– Linisin o itapon ang mga gamit na maaaring mapuno ng tubig at pamugaran ng lamok katulad ng containers, gulong, paso

The post Kim Chiu ibinuking si Vice Ganda na nagka-‘dengue’: ‘Okay na platelets ko!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments