Responsive Ad

Softdrinks beauties Sarsi, Myra, Coca chinika si Pepsi Paloma, may isyu noon sa ina

Softdrinks beauties Sarsi, Myra, Coca chinika si Pepsi Paloma, may isyu noon sa ina

PHOTO: Screengrab from YouTube/Julius Babao UNPLUGGED

MAY reunion ang Softdrinks beauties na sina Sarsi Emmanuel, Myra Manibog, at Coca Nicolas na mga nakasama ng namayapang si Pepsi Paloma noong kasikatan nila.

Forty years ago ay ngayon lang ulit nagkita-kita ang tatlong dating mga sexy stars sa ekslusibong panayam ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel.

Base sa kwento ni Sarsi ay si Pepsi ang pinaka-senior sa kanila dahil unang na-diskubre ng namayapang manager nilang si Rey dela Cruz sa Olongapo sumunod si Sarsi, Coca at Myra.

“Mas senior sa amin si Pepsi, pero ang pinaka-favorite ni tito Rey sa amin si Joan (Coca),” nakangiting sabi ni Sarsi.

Baka Bet Mo: Darryl Yap binoldyak si Sarsi Emmanuelle: Bakit, close ba kayo ni Pepsi?

Pero umalma sina Myra at Coca dahil si Sarsi raw talaga ang paborito ng manager nila sa kanilang apat.

Base sa paglalarawan ng tatlong kaibigan ni Pepsi ay suplada at tahimik.

“May sumpong,” sambit ni Sarsi at hirit ni Myra na, “parang ikaw ‘yun, ha, ha, ha.”

Dagdag pa ni Sarsi, “Moody, July (kapanganakan) kasi, ganu’n may mood swings siya, makikita mo talaga sa kanya na may (suicidal-pinutol) tendency.”

“Parati lang siyang mag-isa, halimbawa nagsu-shooting kami sa island, mag-isa lang siya uupo siya sa bato tapos siya lang mag-isa,” alaalang kwento ni Myra.

Singit ni Sarsi, “Parang ikaw (Myra) nagbabasa lang ng libro.”

At kaya nabanggit na may suicidal tendency si Pepsi ay dahil may mga nakitang slash sa kamay niya sabi nina Sarsi at Myra.

Sa tanong ni Julius kung tinanong nila ang namayapang sexy star kung bakit may mga slash siya sa kamay.

“I think hindi ako ganu’n ka-close kay Pepsi, mas close ako kay Coca of all the softdrinks (beauties) nagpunta pa nga ako sa bahay nito sa Pampanga.

“Si Sarsi naman kaya kami naging friends because pag may pelikula ito (Sarsi) ako lagi ‘yung sinisingit ni tito Rey na supporting niya, pero si Pepsi hindi kami vibes, sala loner siya, aloof siya lalayo talaga siya sa ‘yo,” kwento ni Myra.

Sabi rin ni Emmanuel ay hindi rin siya nagtanong sa mga laslas sa kamay ni Pepsi, “Hindi ako nagtanong kasi the fact na nakita ko ‘yun, bakit ko pa itatanong, di ba?  Nakakahiya na magtatanong ka ng ganu’n, so, alam mo na.”

Nang balingan ni Julius si Coca kung close sila ni Pepsi.

“Super (parang magkapatid voice over ni Myra),” sagot ni Coca.

Nabanggit naman ang pangalan ng direktor na si Darryl Yap dahil nagsalita siya na ‘tigilan na ‘yang Kakacoca-Coca Nicolas n’yo hindi sila close ni Pepsi.

Sabay sabi ni Coca, “Sino ba ‘yang Darryl?  Hindi ko siya kilala.”

Si Direk Darryl kasi ang direktor ng pelikulang “The Rapist of Pepsi Paloma” na gumawa ng ingay nu’ng ilabas nito ang teaser na binanggit ang pangalan ng TV host-actor na si Vic Sotto at ngayon ay may gag order sila mula sa korte na walang magsasalita o magbabanggit ng tungkol sa isyu.

Diing tanong ni Julius kay Coca, “So magkaibigan kayo (Pepsi), super close kayo?”

“Ay opo, super parang mag-ate rin. Alam ni ate Sarsi ‘yan na kami talaga.  Nu’ng nagsama kami sa Royal Hotel (kung saan sila nakatira) kaming tatlo (kasama Sarsi), kami (Pepsi) ang close tapos naging super close na kami nu’ng magsama na kami sa bahay na kaming dalawa lang,” kwento ni Coca.

Paano sila nagkasundo, “Pareho kaming baliw (sabay tawa), parehong Kapampangan, parehong taga Olongapo, parehas Tisay, at sa staka sa boyfriend, halos pareho kami ng type,” seryosong sabi ni Coca.

At ang mga problemang idinadaing daw noon ni Pepsi kay Coca ay tungkol sa mommy nito na hindi sila okay at hindi rin nagkikita.

Hirit pa ni Myra, “Tsaka hindi ko nakikita ang nanay niya (Pepsi) kasi ‘yung mga nanay namin (Sarsi at Coca) magkakaibigan at visible, eh.  Pero ‘yung nanay ni Pepsi hindi naming nakikita sa shooting tsaka ayaw din niyang umuuwi sa Olongapo.”

Dagdag din ni Sarsi, “Kaya ‘wag sabihin nu’ng ina (isa sa source ni direk Darryl para mabuo ang pelikula) dahil marami siyang hindi alam tungkol kay Pepsi.”

Kaya hindi naniniwala ang tatlong nakasama ni Pepsi na may alam ang nanay nito sa lahat ng nangyari sa anak dahil ni minsan ay hindi raw nila ito nakita.

May isyu raw ang mag-ina na hindi na lang binanggit nang tatlo, lalo na si Coca.

May depression na raw si Pepsi noon dahil matumal na ang karera nito at si Sarsi ay lumipad na ang career dahil sunud-sunod na noon ang mga pelikula niya tulad ng “Boatman,” “Virgin Forest,” “White Slavery,” at iba pa.

“Naiwan na kaming tatlo noon, eh.  Actually I remembered during the shooting of ‘Room 69’ na si Pepsi ay umiiyak nang tumakbo dahil lumabas ‘yung banner na hindi na siya ang una sa billing dahil nga siya ‘yung unang softfrink (beauty), si Sarsi na ‘yung may ‘and’ so na-hurt siya ro’n. Isa iyon sa depression niya ‘yung billing kasi big deal nu’ng araw yun, career, financial,” kwento ni Myra.

Sabi rin ni Sarsi, “Everytime talaga na gagawa kami ng movie ang problema niya was billing, e, hindi ko naman problema ‘yun dahil gusting-gusto ng producer at mga direktor na mauna ako hindi niya kinakaya ‘yun, sabi nga nila tumatakbo (at) umiiyak.”

Inaming nagkaroon ng isyu sina Pepsi at Sarsi noon dahil nga sa billing at hindi na pinapansin ng una ang huli.

“Pero on a latter part, namatay siya ngayon, kahapon nasa akin siya kinuha ko pa siya sa bahay sinundo pa ng driver dinala ko sa bahay ko kasi na-confine ‘yan, eh.  Sabi ni tito Rey, ‘oh ‘yung kapatid mo puntahan mo at ganito ganyan.’  Nagtatangka na nga kasing magpakamatay (pinutol),” kwento pa ni Sarsi.

Sa part two ay pinag-usapan paano sila tumira sa isla ng walang ilaw sa loob ng dalawang buwan.

The post Softdrinks beauties Sarsi, Myra, Coca chinika si Pepsi Paloma, may isyu noon sa ina appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments