Ogie sa viral video ng batang nagtitinda: ‘Walang contest ng paramihan ng anak!’
NAPAMURA ang TV host-content creator na si Ogie Diaz sa viral video ng batang babaeng nagtitinda ng sampaguita na pinapalayas ng security guard ng kilalang mall, sabay sinira ang bulaklak dahilan kaya lumaban ang bata.
Napanood namin ang video na sinipa pa ng sekyu ang bata dahil nga hinampas siya ng bulaklak kaya naman kaliwa’t kanan na ang nag-upload ng video na kuha ng netizens.
Post ni Ogie sa kanyang Facebook account kagabi na nag-trending: “Kahit pa sabihing miyembro ng sindikato ‘yung bata kahit di pa napapatunayan, still, mali ang ginawa ng security guard na sirain ‘yung paninda ng bata.
“In the first place, hindi naman gaganti ‘yung bata kung hindi nilagas ng guwardiya ‘yung sampaguita niya.
“Minor yan, papatulan ng guard? O eh ano ngayon kung namamalimos? Tapos pag nagnakaw o nang-snatch ‘yung bata, sasabihin, ‘Sana, nanghingi na lang?’
Baka Bet Mo: Xian Gaza sa viral video ng batang tinaboy sa mall: ‘Unfair maging mahirap!’
“Kung namamalimos at hindi naman kayo nagbigay, ipapalo ba sa inyo yung sampaguitang hawak niya?
“Ako din naman kung minsan, hindi ako nagbibigay ng limos, pero wala naman akong na-encounter na hindi pumayag ‘yung mga namamalimos na aalis silang walang napala sa‘yo o kaya eh papakyuhin ka.
“Kung modus lang nilang naka-uniform sila while selling sampaguita, eh hayaan n’yo na. Hindi na nga kayo nagbigay, kukuda pa kayo.”
At dahil sa viral video ay kaagad nang nagpalabas ang management ng mall na tinanggal na nila ang sekyu sa trabaho at hindi na rin ito makakapagtrabaho sa lahat ng sangay ng nasabing mall.
Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Ngayon, sabi ng ilang netizen, kawawa ‘yung guard. Nawalan na ng trabaho. Eh, mali siya. Hindi niya pinairal yung haba ng pasensiya niya. At bata yon, ha?
“Meron pang nagsabi: itinaboy sana nang maayos. Tongue enuhng yan. Paano ba ang pagtaboy nang maayos? Gago ampotah.
“But somehow, meron tayong dapat ipagpasalamat sa guard. Kung maayos niyang pinaalis yung bata – siya ang malamang na ma-viral in a positive way.
“Eh, sinalbahe nito ‘yung bata, kaya umani ng simpatya si bagets, hinahanap ngayon. Tutulungan sa pag-aaral, bibigyan ng kabuhayan showcase, sasagutin ang baon.
Moral of the story: bukod sa mahalin ang trabaho, marunong din sanang magtrato nang tama sa tao.”
Samantala, karamihan din sa mga nabasa naming komento ng netizens ay sinisisi nila ang magulang ng bata na kung sana ginagampanan nila ang kanilang obligasyon ay hindi sana aabot sa ganitong senaryo ang kanilang anak.
Shout out ni Ogie, “At sa mga magulang ng mga batang pinagtatrabaho na ‘yung mga anak nila, ‘wag nang gawa nang gawa ng anak kung hindi kayang buhayin. Walang contest sa Pilipinas ng paramihan ng anak. ‘Wag kayong ano diyan.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nabasa o nalamang nagbigay naman ng official statement ang gwardiyang tinanggalan ng trabaho o ng security agency na may hawak sa kanya.
Ay, baka naman under din ng nasabing mall ang agency ng sekyu nila.
The post Ogie sa viral video ng batang nagtitinda: ‘Walang contest ng paramihan ng anak!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments