Netizens bardagulan sa ‘Pepsi Paloma’ trailer: Nakakakilabot!
KANYA-KANYANG reaksyon ang ating mga ka-BANDERA sa inilabas na official trailer ni Darryl Yap para sa pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Kahapon, in-upload ni Direk Darryl sa kanyang Facebook page ang naturang trailer kung saan mapapanood ang ilang pasabog na eksena tungkol sa kontrobersyal na buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.
Ito’y pinagbibidahan ng teen star na si Rhed Bustamante na gaganap sa karakter ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma na sumikat noong dekada 80.
Ang caption na nakalagay sa post ng VinCentiments na ni-repost ng direktor ng movie, “THE TRAILER OF THE TRUTH.
“Para sa ika-40 anibersayo ng kamatayan ni #PEPSIPALOMA.
Baka Bet Mo: Darryl Yap: Ang The Rapists of Pepsi Paloma ay hindi para sa eleksyon
“Abangan ang THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA #TROPP #TROPP2025. FEBRUARY 5 • CINEMAS ONLY.”
Bukod kay Rhed, makikita rin sa inilabas na trailer ang iba pang artistang kasal sa pelikula, kabilang na sina Gina Alajar na gumaganap bilang Charito Solis at Mon Confiado as Rey Dela Cruz na pinuri agad ng mga netizens sa akting niya bilang manager ni Pepsi.
View this post on Instagram
Nakita rin namin sa video si Beverly Salviejo na gaganap bilang si Monica, ang showbiz talent scout na siyang nagpakilala kay Pepsi kay Rey dela Cruz, at si Shamaine Buencamino as Lydia Duena Whitley, as Pepsi Paloma’s mother.
Narito naman ang mga reaksyon ng ating dear readera sa comments section ng nauna naming artikulo na naka-post sa official Facebook page ng BANDERA.
“Ginawa pa talagang movie…eh ganyan din naman KWENTO ni KAALAMAN at mga nababasa sa FB para GATASAN si PEPSI. KATOTOHANAN daw, KABABAYAN daw sa KORTE ipaglaban yan. HINDE sa SINEHAN.”
“Sa eat bulaga ba, may trailer slot ba kayo?”
“Can’t deny na magaling talagang actor si Mr. Mon Confiado!!!!”
“Can’t deny na if the price is right, dahil walang kaproject project. go agad. kahit tasteless and garbage yung movie.”
“Kailangan maipalabas bayad niya sa 35M bwahaha. Dami na naman mabubudol na kababayan naten.”
“Yehey marami manood lalo Ang mga Senior citizen dahil true story ito.”
“WALA NA BA NAME DROP… PARA PAG USAPAN ULET.”
“More on kasinungalingan mapagusapan lang sunog na kaluluwa nitong si yapyap kelan at sino kayang nilalang magpapatigil sa taong ito.”
“Rey de la Cruz noon mahilig sa gimik noon sa mga artista eneexploit nya at pelikula nya para kumita at pagusapan kahit walang katuturan Ngayun patay na siya Sino kaya papalit sa yapak nya bilang Director Dapat mahilig rin sa gimik para pagusapan din Kayo na lang humula.”
“May chance Kaya kumita Ang Isang pelikula n sa tingin Ng marami ay garbage? Khit siguro mainit n pinagusapan, by word of mouth Ng mga nakapanuod malalaman ntin.”
“Wag panoorin patay na yong tao gosto pang pagkakitaan.”
“Nag-iipon para sa 35 million..he he he.”
“Wow intense mas maganda itong trailer na bago! Kinilabutan ako pang mga Best Actor and Actress ang acting nila!”
The post Netizens bardagulan sa ‘Pepsi Paloma’ trailer: Nakakakilabot! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments