Responsive Ad

Mark Herras gumiling-giling sa male entertainment bar, naghubad kaya?

Mark Herras gumiling-giling sa male entertainment bar, naghubad kaya?

Mark Herras, Nicole Donesa at Corky

SIGURADONG mas inspired ngayong magtrabaho ang Kapuso actor-dancer na si Mark Herras dahil nadagdagan na uli ng bagong miyembro ang kanilang pamilya.

Ibinandera kamakailan ni Mark at ng kanyang asawang si Nicole Donesa sa publiko na magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang si Corky.

Sa pamamagitan ng kanilang Instagram account, excited na ibinalita ng Kapuso celebrity couple that hey are now expecting their second child.

Makikita sa mga ipinost nilang litrato sa IG ang kanilang announcement tungkol sa pagbubuntis ni Nicole kasama pa si Corky na siyang may hawak ng resulta ng kanilang ultrasound.

Ang nakasaad sa caption ng post, “The best gifts don’t come under a tree (emoji).

Baka Bet Mo: Mark Herras sa pag-alis sa poder ni Lolit Solis bilang talent: Kasi nadamay na ang anak ko…

“This Christmas season, God gave us not one, but TWO gifts. Not only do we get to finally move into Casa Corky [emoji], but God surprised us with another unexpected blessing.

“Happy Birthday Papa Jesus and Thank you for all that you do. To all of our friends and family, we spread all the love, prosperity, good health & blessings to you this holiday season.


“From our growing family, we wish you the Merriest of Christmases. Besides…

“THE MORE, THE MERRIER hehe,” ang buong mensahe ng aktres.

Sunud-sunod na pagbati naman ang natanggap nina Nicole at Mark para sa kanilang second baby, kabilang na riyan ang comments mula sa mga kaibigan nilang celebrities.

Ilan sa mga ito ay sina Sugar Mercado, Jade Lopez, Lovely Abella, at ang ex-girlfriend ni Mark na si Ynna Asistio.

Matatandaang sa isang panayam, sinabi ni Mark na isa sa kinatatakutan niyang mangyari sa kanyang buhay ay, “Kapag naiisip ko na in like a month or two baka puwedeng wala akong gawin na trabaho.

“Kasi kung ngayon pa nga lang na hindi pa nag-aaral ‘yung anak ko may mga oras na… ang hirap ah, ang hirap buhay ng isang tao.

“All my life I’m doing this eh, all my life I’ve been doing this showbiz career, artista. Kung mawalan ako ng trabaho sige, I’ll try like ibang trabaho na hindi showbiz. Puwede ako magsimula kung saan man,” ani Mark.

Dagdag pa niya, “Ayoko lang dumating sa point na mawala sa akin ‘yung anak ko. Hindi mo na maibigay ‘yung dapat for them. Hindi mo na ma-provide.

“Iyon ‘yung pinakakinakatakot ko, siyempre ‘yung mawalan ako ng trabaho, mawala sa akin ‘yung pamilya ko.

“What if mawalan ako ng trabaho at ‘di ako makapag-provide? Tapos mawala sa akin ‘yung mag-ina ko? Kapag nangyari sa akin ‘yun, baka hindi ko na alam saan ako abutin or saan ako damputin,” aniya pa.

Update: pinag-uusapan ngayon ang pagsasayaw ni Mark Herras ala-Magic Mike sa isang male entertainment bar sa ParaƱaque City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Facebook post ng Apollo, “A spectacular evening awaits you. The very first male grand winner of Starstruck and the bad boy of the dance floor, MARK HERRAS is gracing Apollo this Friday night!

“He’s up to heat up our stage with his killer moves and not only that, you will also have the chance to be beside him and chitchat with him.”

Hindi naman daw naghubad ang aktor on stage at wala rin siyang production number kasama ang mga macho dancer sa bar. As in ipinamalas lamang ni Mark sa harap ng audience ang kanyang pagiging Bad Boy ng dance floor.

The post Mark Herras gumiling-giling sa male entertainment bar, naghubad kaya? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments