MMFF fancon kinagiliwan, maraming mga pasabog at pasurpresa
NAG-ENJOY ang fans at media na nakatanggap ng playmoney na 500 peso bill na pinasabog ng “Uninvited” staff sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) kicked off na ginanap sa Quantum Skyview Gateway Mall 2 in Araneta City kamakailan.
Kasi naman sa bawa’t makukuha nilang playmoney 500 pero bill ay katumbas ng P1,000 na kaagad naming napalitan pagkatapos ng show.
Simula ng promo ito ng MMFF para sa pagdiriwang ng 50th edition ngayong December 25.
Hindi naman nabigo ang fans na dumalo sa nasabing okasyon dahil ang dami nilang nakitang mga artist ana bida sa mga pelikulang kalahok ngayong Golden year ng Metro Manila Film Festival.
Ipinakita muna ang trailers ng bawa’t pelikula at behind the scenes nito bagay na lalong nagpa-excite sa mga fans na dumalo ng fancom.
Ayon kay Atty. Don Artes, Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF).
“We have seen the trailers and the stories featured in the 50th edition of MMFF. Many notable actors will bring brilliance to the golden edition of our film festival. Let us support the 10 films of MMFF, the Filipino films.”
Katuwang ni atty. Don Artes si Atty. Rochelle Ona bilang MMFF Executive Director.
Ang mga bida ng Uninvited ay sina Vilma Santos, Nadine Lustre, Aga Muhlach, Tirso Cruz III, Lotlot de Leon, Ketchup Eusebio, Elijah Canlas, Gabby Padilla, Gio Alvarez, RK Bagatsing, Ron Angeles mula sa direksyon ni Dan Villegas produced ng Mentorque Productions, Warner Bros at Project 8 Projects.
Baka Bet Mo: Juday-Gladys reunion sa MMFF 2024 fancon; Uge pinagtripan ni Enchong
View this post on Instagram
Sa The Kingdom ay pinangungunahan nina Vic Sotto, Piolo Pascual, Cristine Reyes, Sue Ramirez, Cedrick Juan, Mark Rivera, Dylan Menor, Zion Cruz handog ng MQuest Ventures Inc, M-ZET TV Productions, and APT Entertainment Inc idinirek naman ni Michael Tuviera.
Sina Arjo Atayde, Enchong Dee, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Julio de Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan, Geli Bulaong at Julia Montes sa Topakk directed by Richard Somes at produced ng Nathan Studios.
Ang pelikulang Isang Himala ay pangungunahan nina Aicelle Santos, Bituin Escalante, David Ezra, Kakki Teodoro, Sweet Tiongson, Joann Co, Neomi Gonzales, Floyd Tena, Vic Robinson mula sa direksyon ni Pepe Diokno produced ng Unitel Pictures.
Kasama rin ang Hold Me Close nina Carlo Aquino, Jairus Aquino, Migo Valid at Julia Barretto mula sa Viva Films at idinirek ni Jason Paul Laxamana
Isa pang may malalaking artista ay ang pelikulang Espantaho sa pangunguna nina Judy Ann Santos, Chanda Romero, Janice de Belen, JC Santos, Mon Confiado, Tommy Abuel, Donna Cariaga, Archi Adamos, Nico Antonio at Lorna Tolentino mula sa Quantum Films, Purple Bunny Productions at Cineko Productions directed by Chito Rono.
Sina Francine Diaz at Seth Fedelin ang bida sa My Future You kasama sina Almira Muhlach, Peewee O’Hara, Mosang, Bodjie Pascua, Marcus Madrigal, Vance Larena, Izzy Canillo at Christian Vazquez idinirek ni Crisanto B. Aquino for Regal Films.
Muling masisilayan ng kanyang fans si Enrique Gil sa pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital kasama sina Jane de Leon, Alexa Miro, Rob Gomez, , Raf Pineda, Zarckaroo at MJ Lastimosa produced nina Dondon Monteverde, Erik Matti at Gil Production.
AND THE BREADWINNER IS ang pagbabalik MMFF ni Vice Ganda kasama sina Jhong Hilario, Joel Torre, Malou de Guzman, Via Antonio, MC Muah, Lassy Marquez, Kulot Caponpon, Argus Aspiras at Gladys Reyes under ABS-CBN Star Cinema and IdeaFirst Company idinirek naman ni Jun Lana.
At ang Green Bones nina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Wendell Ramos, Michael de Mesa, Ronnie Lazaro, Mikoy Morales, Royce Cabrera, Sofia Pablo, Enzo Osorio, Pauline Mendoza, Kylie Padilla, Victor Neri, Sienna Stevens, Gerhard Acao, Raul Morit at Alessandra de Rossi handog ng GMA Pictures GMA Public Affairs at Brightburn Entertainment distiributed by Columbia Pictures.
Samantala, ang lungsod ng Maynila ang host ngayong 50th year ng MMFF at ang magiging ruta para ng 10 Floats Parade of the Stars ay:
Mula sa Kartilya ng Katipunan — Natividad Lopez Street — kakanan sa P. Burgos — didiretso sa Jones Bridge — Quintin Paredes — Reina Regente Street, — daraan sa Recto Avenue — Abad Santos Avenue — Tayuman Street — Lacson Avenue — España Boulevard — Nicanor Reyes St. (Morayta) — C.M. Recto Avenue — Legarda Street — P. Casal Street — Ayala Boulevard — Taft Avenue — T.M. Kalaw Street — Roxas Boulevard P. Burgos Avenue — daraan sa Jones Bridge — Magallanes Drive hanggang makarating sa MANILA CENTRAL POST OFFICE kung saan ay magkakaroon ng libreng konsyerto at pagtatanghal ang mga artista ng pelikula.
The post MMFF fancon kinagiliwan, maraming mga pasabog at pasurpresa appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments