Responsive Ad

Juday-Gladys reunion sa MMFF 2024 fancon; Uge pinagtripan ni Enchong

Juday-Gladys reunion sa MMFF 2024 fancon; Uge pinagtripan ni Enchong

NAKALABILIB ang sipag at dedikasyon ng lahat ng taong involved sa pagdiriwang ng 50th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

In fairness, talagang pinaghandaan nila ang MMFF 2024 dahil sandamakmak na activities ang kanilang kinarir para mas maging masaya at exciting ang filmfest this year.

Isa na nga riyan ang naganap na MMFF 2024 grand media and fan conference sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, last Friday, December 6, 2024.

Present sa event ang mga bida at supporting cast ng 10 official entry sa 50th anniversary ng MMFF tulad ng “Uninvited”, “Espantaho“, “And The Breadwinner Is…”, “Topakk”, “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” “Hold Me Close”, “Green Bones”, “The Kingdom”, “Isang Himala”, at “My Future You.”

Nagsilbi rin itong reunion ng mga magkakaibigang artista na may entry sa MMFF 2024 na matagal nang hindi nagkikita at nagkakasama up close and personal tulad na lang nina Gladys Reyes na kasama sa “And The Breadwinner Is…” at Judy Ann Santos na lead star sa “Espantaho.”

Baka Bet Mo: Juday pinakyaw tinda sa foodcart, ipinalafang sa lahat ng nasa shooting

Mahigpit na nagyakapan at nagbeso ang dalawa nang magkita sa holding area ng event. Kitang-kita ang pagka-miss nila sa isa’t isa habang nagtsitsikahan. Sabi nga ng mga taong naroon, muling nagkita sina Mara at Clara.

Sina Juday at Gladys ang original na bida sa classic series na “Mara Clara” na ipinalabas sa ABS-CBN na ginawan ng bagong version ng magkaibigan din sa tunay na buhay na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Nag-post pa si Gladys ng photo nila ni Juday na kuha sa media and fan con ng MMFF 2024 na may caption na, “Sweet reunion of Mara and Clara at the MMFF Mediacon. Sana po kasama sa listahan ng una nyong panonoorin ang And The Breadwinner Is at Espantaho. #MMFF50.”

Laugh naman ng laugh ang audience sa mga banat ni Eugene Domingo na may dalawang entry this year, ang “And The Breadwinner Is…” at “Espantaho.” Kasama niya sa stage sina Gladys at Direk Juna Lana para sa movie ni Vice Ganda.

Tinanong ng host ng event na si Enchong Dee si Uge ng, “Ito naman yung susunod nating tanong from Virgie San…ito para kay Uge at kay Gladys. How can you relate your movie to us, senior citizens? Thank you.”

Shocked na sagot ni Eugene, “Ano?” Sey ni Enchong at ng co-host niyang si DJ Jhai Ho, seryoso ang tanong at hindi nila imbento.

Chika ni Eugene, “Okay, sige, aaminin ko na. Magka-batch kami ni Chanda Romero (kasama sa cast ng Espantaho) nu’ng 1974. Naalala mo? Di ba? Akalain mong umabot tayo ngayon 2024, Chanda?

“Kasama si Tommy Abuel. Alam mo yan? Oo. So, masaya ka na, Enchong?” hirit ni Uge sa aktor.

Sey ni Enchong, “Tanong kasi ni Virgie yun. How can you relate this film to the senior citizens?”

Sabi ni Eugene, “Bakit ako?”

Sabi naman ni DJ Jhai Ho, “Nabunot lang yan, Ate Uge. Nabunot yan.”

Hirit uli ni Enchong, “Bakit galit ka sa akin?” Na sinagot ni Eugene ng, “Hindi. Kakausapin ko yung mga senior citizens. Oo. Bakit ako nga?

“Paano ba ipapaliwanag? Ito na lang. Ito naman kasi si Enchong, ang gulo-gulo! Ito na lang. Seryoso na lang. E, hindi lang naman senior citizens ang kailangan manood, Enchong.

“Oo, pati ikaw. Yes. At saka tayong lahat. Kasi parte ito ng katotohanan. Sa pamilyang Pilipino, lahat tayo may kilalang breadwinner. Baka ikaw ang breadwinner?

“O, yung kapatid mo, matagal nang pasan-pasan ang pagiging breadwinner. So, panahon na para mapanood natin. Ito ay unique sa kultura ng Pilipino na bakit nga ba sa isang pamilya may isang titindig para sa lahat.

“So, isipin na lang natin na pag pinanood natin ang Breadwinner, baka naman may mensahe ito sa yo.

“Baka may kailangan tayong baguhin, hindi ba? So, mas maganda naman na bawat isa sa pamilya, baka naman puwedeng lahat tayong breadwinner. Di ba? So, para sa mga senior citizens, maliwanag na po ba?” litanya ni Uge na sinundan ng palakpakan at tawanan ng audience.

Samantala, ibinandera naman ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes ang pagiging proud nila sa 10 MMFF entry this year.

 “Abangan po natin sila sa cinemas starting December 25. Meron po tayong parada ng artista sa Maynila sa December 21 at Awards Night sa Solaire, December 27. So, kita-kita po tayo sa sinehan!” paalala at paanyaya niya sa sambayanang Pilipino.

The post Juday-Gladys reunion sa MMFF 2024 fancon; Uge pinagtripan ni Enchong appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments