Naghihinagpis na Seniors ng Maynila nanawagan ng pagbabalik ni Moreno
RAMDAM na ramdam ng mga lolo’t lola ng Maynila ang hirap, hindi lang sa bulsa, kundi pati sa damdamin –mula sa delayed o minsang wala nang allowance, hanggang sa pagbaba ng kalidad ng birthday treats, marami ang gustong maibalik ang pamumuno ni Isko Moreno.
Kamakailan, humarap ang dating mayor sa mga senior citizens sa SM Manila para magbigay ng pag-asa at magpatawa gamit ang kanyang natural na charisma.
“Sa panahon ni Isko, ramdam namin na espesyal kami at may nagmamalasakit. Ngayon, parang wala na lang,” sabi ni Edna Cervantes, 72 -anyos na residente ng San Andres, na nagbigay boses sa sentimyento ng marami.
Baka Bet Mo: Mga polisiya ni Isko Moreno ramdam pa rin ng mga senior citizen ng Maynila
Kitang-kita ang pagkakaiba ng administrasyon. Sa termino ni Moreno, malaking lata ng Ensure ang natatanggap ng mga senior bilang benepisyo. Ngayon, Stick-O wafer sticks na lang ang ipinamimigay. Ang dating birthday cake ay naging cupcake na rin, dahilan para maramdaman nilang hindi na sila priority.
Pero hindi nagkulang si Yorme sa pagpapagaan ng usapan. “Kaya ko kayo binibigyan ng birthday cake at pinapasaya sa kaarawan niyo, kasi baka konti na lang ang birthdays niyo,” biro niya, na ikinatawa ng mga senior.
Saglit nilang nakalimutan ang mga reklamo at nakiisa sa kwela ni Yorme.
Nangako rin si Moreno na ibabalik ang pagmamahal, hindi lang ang mga benepisyo at sabay na nagpalakpakan ang mga tao.
Ayon sa pinakabagong survey, malaki ang lamang ni Moreno kay Lacuna at 78%, patunay na ang pagmamahal ng mga seniors sa kanya ay posibleng magdala sa kanya pabalik sa city hall.
Mukhang malinaw: ang sigaw ng Maynila, ibalik si Yorme!
The post Naghihinagpis na Seniors ng Maynila nanawagan ng pagbabalik ni Moreno appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments