Karla proud ‘lola’, ipinasilip ang 1st apo: ‘Greatest birthday gift ever!’
BAGO ipagdiwang ang kaarawan ng batikang aktres na si Karla Estrada ay tila natanggap na niya ang kanyang regalo in advance.
Isinilang na kasi ang kauna-unahan niyang apo mula sa panganay niyang anak na si JC Padilla at misis nito na si Nathalia Valdivia.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, masayang ibinahagi ni Karla ang isang pasilip na makikitang hawak ng sanggol ang kanyang mga daliri.
Ang caption niya pa riyan, “Greatest birthday gift ever.”
At ipinakilala sa publiko na ang pangalan ng kanyang apo ay si “Claudio.”
Baka Bet Mo: Karla Estrada gustung-gustong ‘makialam’ sa problema ng iba
Sa isang separate post, ibinahagi rin ni Karla ang ilang happy moments ng kanyang birthday celebration kasama ang mga anak.
View this post on Instagram
Magugunita noong November 12 nang ibinandera ni JC ang panganganak ng kanyang asawa at ipinakita ang isang black and white picture ng pagbe-breastfeed ni Nathalia kay baby Claudio.
“I’m not the rocker, she is,” sey ng kapatid ni Daniel Padilla, kalakip ang hashtag na “healthy baby boy.”
View this post on Instagram
Sa comment section, makikita ang komento ng magkakapatid na sina Daniel, Magui Ford Plana at Carmella Ford.
“Coolest mom and dad,” sey ni Daniel.
Wika ni Magui, “New baby in the house, omw home [running emojis].”
Dagdag pa niya, “Best parents eva.”
Kung matatandaan, noong Hulyo nang ikinasal sa isang civil ceremony ang couple na ginanap sa San Juan City.
Kasabay ng kanilang wedding ay inanunsyo nina JC at Nathalia na magkaka-baby boy na sila.
The post Karla proud ‘lola’, ipinasilip ang 1st apo: ‘Greatest birthday gift ever!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments