Responsive Ad

Dani Barretto ipinanganak na ang 2nd baby: I’m in love all over again

Dani Barretto ipinanganak na ang 2nd baby: I'm in love all over again

ISINILANG na ng celebrity mom na si Dani Barretto ang kanilang ikalawang anak ng asawang si Xavi Panlilio.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang larawan niya kasama ang newborn baby at asawa na kuha sa ospital.

Chika ni Dani, noong October pa ng ipinanganak niya ang anak na si Baby Riley.

“October 25, 2024, Riley Nicholas James B. Panlilio was born. And just like that, I’m in love all over again.

Baka Bet Mo: Dani Barretto binarag matapos tirahin ang mga sumbaterang magulang

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy pa ni Dani, “Thank you, Lord for our Riley!! Panlilio Party of 4 is now complete.”

Aniya, paniguradong sa mga susunod na araw ay ibabandera niya ang larawan ng anak.

Pero sa ngayon ay bet muna nina Dani at Xavi na i-enjoy ang kanilang pagsasama.

“Will share more in a couple of days, right now we’re enjoying our baby bubble,” sabi pa niya.

Marami naman sa kanilang mga kaibigan ang nagpaabot ng congratulatory messages kina Dani at Xavi.

Ilan sa mga bumati sa mag-asawa ay sina Maxine Medina, Max Collins, Camille Co, at Kaila Estrada.

Matatandaang taong 2019 nang magpakasal sina Dani at Xavi.

Matapos ang limang buwan ay ipinanganak naman niya ang panganay nila na si Camilla Marguerite na kilala bilang si Millie.

Si Dani ay anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi.

The post Dani Barretto ipinanganak na ang 2nd baby: I’m in love all over again appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments