Julia, Zia nagpaiyak sa ‘Saving Grace’; Christian, Jennica agaw-eksena!
GRABE! As in grabe pala ang kuwento ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Saving Grace” na pinagbibidahan ng The EDDYS Best Actress na si Julia Montes.
Isa kami sa nabigyan ng chance na mapanood ang pilot episode nito kahapon sa ginanap na grand media launch sa Gateway Mall 2 Cinema 11 na dinaluhan ng cast members ng serye pati na ng ilang guest celebrities.
Ang “Saving Grace” ay ang Philippine adaptation ng hit Japanese series na “Mother” na siyempre, binigyan ng bagong atake ng Dreamscape Entertainment para mas maka-relate ang Pinoy viewers all over the universe.
In fairness, unang episode pa lang ng “Saving Grace” ay kakapitan mo na ang kuwento kaya nga halos lahat ng um-attend ng special screening ay nagsabing nabitin sila at gusto na nilang mapanood ang mga susunod na eksena.
Baka Bet Mo: Coco kay Julia: Ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal n’ya sa ‘kin
Isa rin kami sa mga naiyak pagkatapos ipalabas ang unang episode ng serye, lalo na sa mga eksena ni Julia at ng batang aktres na si Zia Grace na gumaganap bilang batang biktima ng domestic violence.
View this post on Instagram
Mula sa mga naghatid ng hit Prime Video drama na “Linlang,” handog nga ng Dreamscape ang “Saving Grace” na iikot sa tema ng pagmamahal ng isang ina habang isinasalamin din ang realidad sa likod ng mga pang-aabuso sa kabataan at kababaihan.
Dito masasaksihan si Julia bilang Anna, isang guro na hahamakin ang lahat mabigyan lang ng pangangalaga at pagmamahal ang isang bata na inaabuso ng sarili niyang ina.
Desperado na mabigyan siya ng tamang pag-aaruga, si Anna mismo ang dadakip sa kanyang estudyante na si Grace, na gagampanan ng promising child star na si Zia Grace.
Tampok din sa serye sina Megastar Sharon Cuneta, Janice de Belen, Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso, Andrez Del Rosario, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Sophia Reola, Ramon Christopher, Mary Joy Apostol, PJ Endrinal, Emilio Daez, Karl Gabriel, Jong Cuenco, Daisy Cariño, Lotlot Bustamante, Alma Concepcion at Fe De Los Reyes.
Bago mapanood ang Kapamilya adaptation nito sa Prime Video, hinirang muna na most exported title sa Asya ang “Mother” nang magkaroon ng sari-sarili itong bersyon sa iba’t ibang bansa, gaya ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia.
View this post on Instagram
“We are thrilled to announce that ‘Saving Grace,’ our take on the acclaimed Japanese drama ‘Mother,’ is streaming first on Prime Video.
“This newest feat is a continuous testament to our commitment to showcasing world-class Filipino talent and entertainment to our local and global audiences while engaging them with its heartwarming themes emphasizing the Filipino core values of family and motherhood,” sabi ni ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes.
“Nippon TV’s ‘Mother’ will be the honorable first adaptation of our scripted format in the Philippines, marking a significant milestone in our collaboration with the vibrant Filipino content industry.
“We commend ABS-CBN for their dedication in bringing this powerful story to life, set to premiere on a global streaming service such as Prime Video, showcasing the universal appeal of ‘Mother’ and celebrating the creativity and talent within the Filipino entertainment landscape,” dagdag naman ng Nippon TV execs na sina Yuki Akehi at Sally Yamamoto.
Sa direksyon nina FM Reyes at Dolly Dulu, unang mapapanood ang “Saving Grace” sa Prime Video, with two new episodes tuwing Huwebes, simula November 28.
Samantala, given na ang husay ni Julia Montes sa “Saving Grace” bilang aktres na nanalo ngang best actress sa The 7th EDDYS last year para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” opposite Alden Richards.
Kaya gusto naming bigyan ng special shoutout sina Christian at Jennica na gumaganap na live-in partners sa serye. Napakahusay din kasi ng dalawa sa pilot episode pa lang.
Talagang kaiinisan n’yo sila sa kanilang mga karakter, lalo na si Christian na minumura ng ilang nakapanood sa first episode. Ha-Hahaha! Ganu’n siya ka-effective sa kanilang pagganap.
The post Julia, Zia nagpaiyak sa ‘Saving Grace’; Christian, Jennica agaw-eksena! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments