Responsive Ad

Heart ‘pass’ muna sa Victoria’s Secret fashion show: ‘I must stay home’

Heart ‘pass’ muna sa Victoria’s Secret fashion show: ‘I must stay home’

PHOTO: Instagram/@iamhearte

MAKALIPAS ang anim na taong hiatus, magbabalik ngayong taon ang Victoria’s Secret 2024 fashion show.

Ang inaabangang event ay mangyayari sa Brooklyn, New York sa Martes, October 15.

Ayon sa mga ulat, ang mangunguna sa show ay ang K-Pop idol na si Lisa ng Blackpink, kasama ang African pop star na si Tyla at pop legend na si Cher.

At alam niyo ba, isa sa mga inimbitahang guests sa event ay ang fashion icon na si Heart Evangelista!

Ang exciting news ay ibinandera mismo ni Heart sa kanyang Instagram Story kamakailan lang.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista nagetsing ang atensiyon ni Victoria Beckham: ‘You look incredible! Perfect!’

Ngunit, nauna na ring sinabi ng aktres na hindi siya makakapunta dahil mas pinili niyang manatili sa kanyang bahay dito sa Pilipinas.

“Thank you @victoriasecret for inviting me! [happy face emoji],” bungad ni Heart sa US lingerie brand.

Dagdag pa niya, “I must stay home but thank YOU for the love [red heart emoji].”

Heart ‘pass’ muna sa Victoria’s Secret fashion show: ‘I must stay home’

PHOTO: Instagram Story/@iamhearte

Magugunitang katatapos lang ng Paris Fashion Week na kung saan ay naging abala si Heart.

Naging emosyonal pa nga siya sa last day nito, kasama ang bago niyang glam team.

Mapapanood sa isang mini vlog sa IG na nag-picture taking pa sila na hagip ang view ng sikat na tourist destination doon –ang Eiffel Tower.

Pagkatapos niyan ay nagkaiyakan na nga sila roon dahil sa nabuong friendship at experiences together.

Paliwanag ng aktres, “Kaya ako umiiyak kasi kanina nagdasal ako na sana okay lahat kasi nag-pictorial ako dati dito, iba ‘yung mga kasama ko.”

Ang tinutukoy niya riyan ay ‘yung dati niyang glam team kabilang na ang makeup artist na si Justin Louise Soriano at hairstylist na si Jeck Aguilar.

Sey naman ni Kristine Ira Lesaca, ang talent management specialist ng Sparkle GMA Artist Center, “We’ll always fight for you no matter what. We’ll fight for you dear, no matter what. Maniwala ka sa’min. Iba kami.”

Samantala, nauna nang sinabi ni Heart na hindi talaga niya pinupuntahan ang lahat ng nag-i-invite sa kanya sa fashion shows.

Ang rason, minsan ay mas gusto niyang piliin ang mga personal niyang mga lakad.

“So sometimes, I will go but I’m a little tamad because I’ll gonna do Paris, Milan and then, I’ll gonna fly to Bangkok. So I’ll gonna be gone for almost a month. So I have to choose my lakad,” wika niya.

The post Heart ‘pass’ muna sa Victoria’s Secret fashion show: ‘I must stay home’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments