Responsive Ad

Maricar Reyes binalak magdemanda nang masangkot sa video scandal

Maricar Reyes binalak magdemanda nang masangkot sa video scandal

Maricar Reyes at Richard Poon

MARAMI ang bumilib at na-inspire sa tapang ng aktres at negosyanteng si Maricar Reyes sa pagharap sa lahat ng matitinding challenge na dumating sa kanyang buhay.

Hinangaan siya ng mga kababaihan sa ginawa niyang paglaban at pagbangon matapos ang kinasangkutang video scandal ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Ang tinutukoy namin ay ang video scandal na kinasangkutan ni Maricar at ng dati niyang nakarelasyon na si Hayden Kho noong 2009.

Baka Bet Mo: Maricar Reyes, Richard Poon 10 years nang mag-asawa, kung hindi raw mag-iingat posibleng masira ang relasyon

Mas tumindi pa ang paghanga at pakikisimpatya sa kanya ng publiko nang maglabas pa siya ng libro tungkol sa naturang iskandalo na talagang pinagpiyestahan ng mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricar Reyes-Poon (@maricareyespoon)


In fairness, nalampasan ni Maricar ang mga pagsubok na pinagdaanan hanggang sa matagpuan ang tunay na kaligayahan at wagas at totoong pagmamahal sa kanyang asawang si Richard Poon.

Bumisita ang celebrity couple sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, August 19, at buong-tapang ngang  ikinuwento ng aktres kung bakit siya nagdesisyong isalin sa libro ang madidilim na bahagi ng kanyang life.

Baka Bet Mo: Maricar Reyes, Richard Poon nagpatingin na sa espesyalista para malaman kung bakit hindi pa rin nagkaka-baby

“What happened, I feel like I’ve been turned inside-out kasi all my life, the way I would do things, the way I would live life na tama, is you try to look good, you do good, external stuff.

“Basta if you look good, people don’t see the bad stuff you’re doing, you’re okay,” pahayag ni Maricar.

Sirang-sira raw ang reputasyon niya noong kumalat ang kanyang video scandal at alam daw niyang hindi na niya iyon kailanman mababawi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricar Reyes-Poon (@maricareyespoon)


Hanggang sa dumating yung araw na natutunan din niyang i-let go ang paniniwala niya na ang pagkakakilanlan niya ay ang kanyang iniingatang reputasyon.

“What really needed work pala was my inside, hindi ‘yung panlabas ko na the external stuff I do. It’s actually my heart, there’s a lot of dark thing there na hindi ko alam dahil nga ang lakas ng exterior ko,” pagbabahagi ni Maricar.

Dagdag pa niya, isa ang kanyang asawang si Richard sa mga tumulong sa kanya na mag-move on at tuluyang patawarin ang sarili sa lahat ng pangit na nangyari.

Pero ang mas ikinatuwa pa ni Maricar ay ang pagsuporta sa kanya ng mga kababaihang nakilala niya mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“I was shocked, I was introduced to women na sobrang brutal din with their struggles and very honest na parang ‘Ito ‘yung sablay ko, yes, I went through this trauma.

“But actually, what dug me into a deeper hole, was my response, not the trauma,’” sabi ni Maricar.

Natanong din sa kanya ni Tito Boy kung bakit hindi niya pinangalanan sa librong ginawa niya ang mga taong involved sa mga pinagdaanan niya.

“Why should I name names eh, ang tagal na rin? And ‘yun nga, the primary purpose of the book is to help women who are also going through dark times. So ‘yun talaga ‘yung purpose ko.

“At tsaka to show them my journey and then if somebody will learn something, if my journey will help them, eh ‘di, I’ve done my job,” lahad pa ng aktres.

Samantala, paliwanag naman ni Richard Poon, naglabas ng libro ang kanyang asawa dahil nais nitong ibandera sa sambayanang Pilipino ang pagtanggap sa kanyang accountability para sa lahat ng mga ginawa niya.

“Some other books, pwede naman niya kunin ‘yung route na ‘Hindi, biktima ako. Magne-name ako ng names para malaman ng lahat na inosente ako at sila ang gumawa ng mali.’ Puwede rin naman ganu’n.

“Pero hind niya purpose ‘yun e. Ang purpose niya is ‘There’s nothing we can do about the other side. Ang side ko ang puwedeng may accountability.’ So kaya walang names, ‘I will focus on my mistakes,’” esplika pa ng singer.

Nabanggit din ni Maricar na binalak din niya noon na magsampa ng kaso, pero sa ending mas ginusto na lang muna niyang manahimik at na-realize na, “It wasn’t the route for me.”

“In theory, not to ano naman din the justice system, it’s there for a reason. But the path that’s being presented to me, hindi para sa akin,” katwiran ni Maricar.

The post Maricar Reyes binalak magdemanda nang masangkot sa video scandal appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments