Responsive Ad

Carlos Yulo bibigyan ng condo, P13-M matapos makuha ang ‘gold’ sa Olympics

Carlos Yulo bibigyan ng condo, P13-M matapos makuha ang 'gold' sa Olympics

PHOTO: Instagram/figymanstics

PROUD na proud ang buong Pilipinas kay Carlos Yulo, ang isa sa mga pambato natin sa Paris Olympics 2024!

Nakuha kasi ni Carlos ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa kasaysayan ng Olympics.

Kung matatandaan, three years ago pa nang magwagi tayo ng gold medal sa nasabing pandaigdigang palaro dahil sa pambihirang tagumpay ng Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz na lumaban noon sa women’s 55 kg weightlifting category ng Tokyo Olympics.

This time naman, nangibabaw ang ating bansa sa men’s artistic gymnastics floor exercise na naganap sa Bercy Arena noong Sabado ng gabi, August 3 (oras ng Pilipinas).

“I’m so overwhelmed. I’m feeling grateful for having this medal and for God. He protected me, as always,” sey ni Carlos. 

Baka Bet Mo: Manny Pacquiao hindi pinayagang lumaban sa Paris Olympics, anyare?

Aniya pa, “He gave me the strength to get through this kind of performance and perform this well.”

Dahil sa kanyang historic win, makakatanggap si Carlos ng P10 million, ayon sa mandato ng Republic Act 10699 na nilagdaan noong 2015.

Sa ilalim kasi ng nasabing batas, ang mga Olympic medalist mula sa Pilipinas ay tatanggap ng cash incentive depende sa kanilang ranking –P10 million sa gold, P5 million for silver medal at P2 million naman sa bronze.

Bukod diyan, bibigyan din ang Olympic hero ng P3 million mula sa House of Representatives o Kamara.

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Representative Elizaldy Co, ito ay bilang suporta nila sa tagumpay ni Carlos na nagbigay karangalan sa bansa.

“Carlos has shown that with determination and resilience, Filipinos can excel and achieve greatness in any field. Carlos proved that Filipinos can keep up on the international stage,” sey ni Co sa isang pahayag.

Dagdag pa, “He is an inspiration to the youth and all those who dream. He is proof that nothing is impossible with perseverance and hard work.”

Wait, there’s more! Pag-uwi ni Carlos ay magkakaroon na rin siya ng sarili niyang condo unit!

“As promised, we are giving Carlos Yulo a two-bedroom condo unit in one of our premier residential properties inside McKinley Hill in Taguig that will come furnished with appliances as well as furniture and fixtures, valued at approximately P24 million,’’ sey ni Megaworld Corp. president Lourdes Gutierrez-Alfonso.

Ani pa, “We are excited to welcome Caloy to his new home when he comes back!’’

Bongga! Ang daming take home ni Carlo na talaga namang deserve na deserve niya.

The post Carlos Yulo bibigyan ng condo, P13-M matapos makuha ang ‘gold’ sa Olympics appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments