Responsive Ad

YouTube channel ng SB19, Ben&Ben na-hack ng sindikato sa socmed

YouTube channel ng SB19, Ben&Ben na-hack ng sindikato sa socmed

Ben&Ben at SB19

NAKAKALOKA! Sabay palang na-hack ang YouTube channel ng super P-pop group na SB19 at ng award-winning OPM folk pop band na Ben&Ben.

Sa pamamagitan ng kanilang official social media accounts, ibinalita ng Ben&Ben na inatake ng mga hackers ang kanilang YouTube channel.

Baka Bet Mo: Liza Soberano nagparamdam na matapos mabura ang pictures sa IG: Life update soon…

May mga nabawi naman daw na mga video sa kanilang channel pero nakakapag-livestream pa rin daw ang mga taong nasa likod ng pagnanakaw sa kanilang account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ben&Ben (@benandbenmusic)


“Our team has restored and recovered a significant part of our YouTube channel from the hijackers,” ang bahagi ng official statement ng grupo.

“However, we are still waiting on the response of our partners in addressing this matter, specifically for the Ben&Ben YouTube channel’s Home page.

“As of this moment, the Home page is still live streaming content by the hijacking party.

“Nonetheless, we are doing our best to resolve this immediately. Thank you for your patience and support, Liwanag,” ang buong pahayag ng Ben&Ben.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 3.02 million subscribers na ang Ben&Ben sa YouTube channel nilang @benandbenmusicofficial.

Baka Bet Mo: Ben&Ben sa bagong hugot song na ‘COMETS’: 4 years in the making ‘to!

Samantala, naglabas din ng official statement ang SB19 sa pamamagitan ng kanilang management and production company na 1Z Entertainment tungkol sa pangha-hack sa kanilang YouTube channel.

Sabi ng grupo, na-compromise raw ang kanilang account pero “under control” na raw ito ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19 Official (@officialsb19)


“We regret to inform you that SB19’s official YouTube account was recently compromised.

“We took immediate action to address the incident, and rest assured that it is now under control.

“Our team has reported the incident to the relevant authorities involved to prevent similar occurrences in the future.

“We sincerely appreciate your patience and understanding as we work to ensure the safety and security of our online platforms. Thank you for your continued support,” ang buong pahayag ng SB19.

Sa ngayon ay may 3.6 million subscribers na ang YouTube channel nilang @officialSB19.

The post YouTube channel ng SB19, Ben&Ben na-hack ng sindikato sa socmed appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments