Ninong Ry naranasan ang hagupit ni #CarinaPH, nalubog sa baha
HINDI nakatakas sa hagupit ng bagyong Carina ang content creator na si Ninong Ry matapos pasukin ng baha ang kanilang bahay sa Malabon.
Ibinahagi niya ngayong araw sa kanyang Facebook page ngayong araw, July 23, ang mga larawan at video na kuha mula sa kanyang tahanan sa Malabon City.
“Balita ko di na kayo binahaba sa Malabon ah? Kami na tiga Malabon:” caption ni Ninong Ry.
Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang concern para sa kilalang social media personality.
Baka Bet Mo: Ninong Ry ayaw magpagupit para mabago ang itsura, tanggap nang mukhang mabaho at hindi naliligo
View this post on Instagram
“Mag Antipolo ka Ninong Ry never binaha dito bahain man panigurado lubog na ang Manila..keep safe po,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “ingat po baka maabot ang mga saksakan ng kuryente,ma ground po kayo..wala na kaming ninong.”
“I feel you po. Sa amin pag malakas ulan nabaha na dn sa loob ng bahay.. Ingat,” sey naman ng isa.
May ilan naman na nagbahagi rin ng kanilang karanasan habang binabagyo rin sa kanilang lugar.
“Kami din po ninong ry dito sa malabon fish port,” chika ng isang netizen.
Sabi naman ng isa, “Dito din sa binan laguna baha na din.”
Sa comment section ay nag-update pa si Ninong Ry na mas tumaas pa ang tubig na pumasok sa kanyang kusina na sikat sa kanyang vlog kung saan siya nagluluto.
Sa kabila nito ay good vibes pa rin ang naging hatid ng social media vlogger habang nagtse-check ng mgaa gamit at lugar na naapektuahn ng baha.
The post Ninong Ry naranasan ang hagupit ni #CarinaPH, nalubog sa baha appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments