Nadine walang galit sa GMA 7 kahit feeling kawawa sa Gala 2024
MARAMING nakisimpatya sa Kapuso actress na si Nadine Samonte sa nangyari sa kanya sa naganap na GMA Gala 2024 last Saturday, July 20.
Naawa sa kanya ang mga netizens dahil sa nagawang sablay ng mga organizer ng event – invited ang aktres pero wala pala siya sa listahan kahit pa nag-RSVP na siya since last year pa.
Kuwento ni Nadine sa “Showbiz Update” vlog nina Ogie Diaz, pagrampa niya sa red carpet, nalaman niyang wala ang name niya sa guest list at wala rin siyang assigned seat sa mga table sa loob ng venue.
“Paglabas ko kahapon sa event, hindi ko na natapos yung program. I was so frustrated and so down and lost. Again that’s the right word na parang ‘what happened?’
Baka Bet Mo: Nadine Samonte bigla na lang iiyak kapag narinig ang ‘Amazing Grace’: Naaalala ko yung sinabi ng doktor ko noon…
“Parang ganu’n yung nangyari sa akin. So, my team was so mad. they hugged me when I went up. Umiyak na ako doon,” ani Nadine.
View this post on Instagram
“This gala, nag-prepare ako since last year pa. I prepared, nag-check in na ako, last year pa. Binook ko na lahat last year pa. We even had meetings for what to do, for what theme to make. Lahat talaga preparation, gastos, and yet, I was not really expecting na matrato ako as VIP pero I was just wishing na matrato ako fairly lang.
“‘Noong binigyan nila ako ng invitation for that gala, nag-RSVP kaagad ako. Kapg hindi ka raw kasama sa RSVP, hindi ka raw makakapasok. So nag-RSVP na ako. I even asked them if I can bring my husband. Pero sabi nila I cannot, walang plus one. So sabi ko, okay sige, It’s okay,” aniya pa.
“My handler was there also. Tapos sabi, eh, wala ka po dito, ano po bang apelyido? Lahat na ng apelyido ko sinabi ko na. Sabi ko, meron po akong show ngayon, iyong ‘Forever Young’ pero hindi pa ini-air. They were looking, they were thinking saan ako iuupo.
“Sabi, o sige upo ka na lang dito kina Althea (Ablan), kasi may isa pang seat na pwede. So binigyan nila ako ng number, when I went inside, sobrang puno nu’ng table and all of their names were there,” aniya pa.
Sa huli ay nabigyan naman siya ng lamesa ngunit solo lamang siya at panay ang lapit sa kanya ng ibang mga kasamahan sa industriya para tiyakin kung okay siya.
View this post on Instagram
“It was dulong-dulong table, and walang nakaupo doon, ako lang. I feel so kawawa na everybody is going sa akin na parang ‘Nadine, are you okay? Okay ka lang ba diyan?” sey pa ni Nadine.
“Masama lang talaga ‘yung loob ko Tito Ogie, pero it’s okay. I’m thankful naman sa GMA kahit paano na-invite ako sa ganitong malaking event talaga na once a year. And I’m thankful also kasi meron akong bagong show with them. I hope next year, the production will be more vigilant,” sabi ni Nadine.
Samantala, sa Instagram post ng aktres kahapon, July 24, nagpasalamat uli si Nadine sa mga nag-message sa kanya pagkatapos kumalat ang isyu.
Aniya, gusto na raw niyang mag-move on mula sa nangyari, “First I would like to say thank you sa lahat ng nagmamahal and nagcacare po sa akin lalo na asawa ko, my family and friends.
“Appreciated all your sweet messages but this needs to end. I would like to move on and look at the brighter side of life.
“Thank you Sparkle Family for looking into this matter to prevent any future mishaps.
“Thank you to my Team and my handler for your relentless love and support. Lastly Thank you to GMA and Sparkle for reaching out to me, it truly meant so much,” bahagi ng IG post ni Nadine.
Ipinagdiinan din niya na wala siyang galit sa GMA at sa Sparkle Artist Center, “Uulitin ko never po naging masama ang loob ko sa network at lagi ko nga sinasabi hindi magkakaroon ng isang Nadine Samonte kung hindi dahil sa GMA and i will forever be grateful for that.
“Im always proud to be a Kapuso (heart emoji). Lets all spread love. Stay safe and God bless @gmanetwork @sparklegmaartistcenter @itsmenet8,” aniya.
The post Nadine walang galit sa GMA 7 kahit feeling kawawa sa Gala 2024 appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments