JK muling pinakilig si Dia Maté: You have been my queen since day 1!
KILIG much ang mga fans ni JK Labajo sa naging mensahe niya para sa dyowang si Dia Maté matapos itong makakuha ng korona sa Miss World Philippines 2024 pageant.
Ibinandera ng Kapamilya actor at singer-songwriter ang wagas niyang pagmamahal para sa kanyang girlfriend na beauty queen.
Sa Instagram, muling ipinaramdam ni JK kay Dia kung gaano niya ito hinahangaan at sinusuportahan kasabay ng pagbati sa pagkapanalo nito bilang Miss Reina Hispanoamericana Filipinas 2024 sa nasabing national pageant.
Kalakip ang litrato nila ng beauty queen ay ang nakakakilig na mensahe ng OPM hitmaker na pinusuan at ni-like ng kanyang mga tagasuporta.
Baka Bet Mo: OPM musician Dia Maté proud na proud maging pambato ng Cavite sa MUPH 2024
“I have seen how you’ve gone through all the challenges and difficulties of the pageantry world with grace and elegance and I couldn’t be any prouder.
View this post on Instagram
“You have been my queen since day one and the only difference now is that you’re wearing the crown that you so deserve. This is just the beginning.
“To my sweet baby with the kindest heart and a smile that lights up my world, congratulations! I love you,” ang buong caption ni Juan Karlos sa kanyang IG post.
Si Dia ang magiging bet ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2024 pageant na gaganapin sa Bolivia habang si Miss Baguio City Krishnah Marie Gravidez ang itinanghal na Miss World Philippines 2024. Siya ang magiging representative ng Pilipinas sa 72nd Miss World pageant.
Baka Bet Mo: May bago na nga bang nagpapatibok sa puso ni JK Labajo?
Matatandaang naging kandidata rin sa Miss Universe Philippines 2024 ang dyowa ni JK, kung saan si Chelsea Manalo naman ng Bulacan ang nagwagi.
View this post on Instagram
Nang tanungin sa isang panayam kung sasamahan ba ni JK ang kanyang parter sa international pageant para suportahan ang dalaga, “It depends. It depends.
“It depends on his schedule,” sabi naman ni Dia.
“No, but I wanna go, definitely. I wanna go. But I’m really proud, I’m really proud. It’s her spotlight,” sabi ni JK patungkol sa pagkapanalo ni Dia.
Matatandaang sa isang interview ay ibinahagi ni Dia na super supportive boyfriend si JK sa pagsali niya sa mga pageant.
“He’s always just been my sidekick, my partner, and he is just there for whatever I need, whether that be a shoulder to cry on, someone to cheer me on, or someone to even give me random Q&A advice or practice,” sabi ng beauty queen.
The post JK muling pinakilig si Dia Maté: You have been my queen since day 1! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments