Karen Davila dinipensahan ang sarili: I should’ve been specific
NAGSALITA na ang Kapamilyq anchor na si Karen Davila kaugnay sa nag-viral niyang statement tungkol sa nation’s girl group ns BINI.
Matatandaang noong July 23 nang i-report sa “TV Patrol” ang international tour ng nation’s girl group.
After ng kanilang regional tour sa Pilipinas ay magtatanghal ang BINI sa pre-show ng KCON event sa Los Angeles, USA.
Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’
Matapos ang ulat ay nagpakita ng excitement ang iba pang anchor at isa na rito si Karen.
“Ang galing ng BINI. At saka maganda dun, ang K-pop sikat sa buong mundo, maganda yung BINI na silang magbubukas ng pintuan para [sa] P-pop. Pag sumikat sila, sisikat din yung iba pang Pilipino,” saad ni Karen bago ang kanyang extro spiels.
Agad ngang nag-trending ang naging pahayag ng Kapamilya anchor at marami ang na-trigger lalo na ang fans ng P-pop boy group na SB19 na binubuo nina Stell, Pablo, Justin, Josh, at Ken.
Marami ang hindi sumang-ayon sa sinabi ni Karen dahil para sa mga A’TIN (ang tawag sa mga fans ng boy group) ang SB19 ang nagbukas ng pintuan oaea makilala ang P-pop internationally.
May ilan ring nabastusan dahil tila inichapwera ng Kapamilya anchor ang tagumpay ng SB19 kasama ang mga parangal na inuwi nito sa Pilipinas.
Agad namang dinipensahan ni Karen ang sarili at naglabas ng pahayag sa X (dating Twitter) noong Biyernes, July 26.
Paliwanag ni Karen, hindi niya intensyong mabalewala ang Ppop group.
“SB19 first opened the doors for PPOP internationally and made history! BINI is carving their own – being the first all girl group to hit it big.
“I should’ve been more specific. SB19 & BINI, you make us all proud!
“And may you both open more doors for aspiring local artists. Both are Proudly Filipino,” paliwanag ni Karen.
The post Karen Davila dinipensahan ang sarili: I should’ve been specific appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments