Responsive Ad

24-anyos na mukbanger patay habang naka-live dahil sa ‘overeating’

24-anyos na mukbanger patay habang naka-live dahil sa 'overeating'

TUMIGIL na kaya o mabawasan man lang ang mga content creator na mahilig mag-mukbang sa kanilang mga vlog “forda views and money”?

Ito’y matapos nga ang ilang insidente ng pagpanaw ng ilang mukbangers nitong mga nagdaang buwan kabilang na ang isang Pinoy vlogger na na-stroke at namatay nito lamang nagdaang June.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang mukbang, na pinaniniwalaang nagsimula sa South Korea, ay ang paglafang ng iba’t ibang putahe habang naka-live (or recorded as vlog) at nakikipag-usap sa kanilang viewers o subscribers.

Baka Bet Mo: Joshua tinawag na ‘Higop King’ dahil sa laplapan nila ni Janella sa ‘Darna’: ‘Unli mukbang yarn?’

Sandamakmak na ang mga content creators na nagmu-mukbang dahil bentang-benta ito sa mga netizens at subok na ito para mapabilis ang pagtaas ng subscribers ng isang vlogger.

Pero mukhang totoo nga ang sinasabi ng mga eksperto na banta sa kalusugan ng isang tao ang pagmu-mukbang.

Kamakailan lamang, napabalita ang pagkamatay ng isang 24-anyos na babaeng Chinese na kilala sa pagiging mukbang star — si Pan Xiaoting.

Pumanaw umano si Pan habang naka-live broadcast noong July 14, 2024. Ayon sa mga ulat, ang cause of death ay “overeating.”

Base sa resulta ng autopsy, nadiskubre na ang kanyang “abdomen was severely deformed and her stomach was filled with undigested food.”

Nabatid na sa isa sa kanyang vlog, umabot daw sa 10 kilos ang kanyang nalafang sa loob ng 10 oras na live stream. Tuluy-tuloy daw ang pagkain ni Pan hanggang sa maubos ang nakahaing pagkain sa kanyang harapan.

Baka Bet Mo: Donnalyn Bartolome nominadong ‘Best Content Creator’ sa Netherlands: ‘We’re going international babies!’

At dahil nga sa kanyang pagmu-mukbang umabot na raw sa 300 pounds ang kanyang timbang. Sa katunayan, mismong ang mga followers na niya sa social media ang nagsasabing huwag na siyang kumain nang sobra-sobra.

Pinagsasabihan na rin daw siya ng kanyang pamilya na maghinay-hinay na sa pagmu-mukbang lalo pa’t naospital na pala siya noon dahil sa gastric bleeding dulot ng paglafang nang bonggang-bongga.

Sabi pa sa mga report ng pagpanaw ni Pan Xiaoting, dati siyang waitress na naengganyong mag-mukbang dahil sa kaibigan niyang si Liu Qi, na sumikat din bilang mukbanger.

Nakita raw kasi niya kung paano kumita nang malaki ang kaibigan na nakakatanggap din ng mga bonggang gifts at rewards sa pagla-live stream nito. Nang kumikita na sa pagiging vlogger, nag-resign siya agad sa pagiging waitress.

Nitong nagdaang June, pumanaw din ang Pinoy mukbanger na si Dongz Apatan matapos ma-stroke. Sabi ng cardiologist na si Tony Leachon, ang pagkamatay ng influencer mula sa Iligan City ay dulot ng hemorrhagic stroke.

“According to the doctors na nakakita sa kanya sa emergency room, nagkaroon siya ng blood clots sa brain.

“So ibig sabihin, tumaas ang blood pressure niya, pumutok yung ugat sa brain niya. So ang kinamatay niya, e, hemorrhagic stroke,” paliwanag ni Leachon sa panayam ng GMA News.

Paalala niya sa lahat, “So siguro, ito’y lessons learned para sa ating lahat. Pag naging habit ito, your habits kasi dictates your behavior, and your behavior determines your destiny as well, e.

“Ang pagkain talaga, pag sobra, hindi maganda. Lalo na pagka maalat, mataba, at matamis,” aniya pa.

The post 24-anyos na mukbanger patay habang naka-live dahil sa ‘overeating’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments