Responsive Ad

Win Gatchalian sa isyu ng dyowang si Bianca Manalo: No comment

Win Gatchalian sa isyu ng dyowang si Bianca Manalo: No comment

PINILI ni Sen. Win Gatchalian ang huwag magbigay ng komento ukol sa kinasasangkutang isyu ng kanyang longtime girlfriend na si Bianca Manalo.

Matatandaang isa sa mga pinag-uusapang personalidad ngayon si Bianca matapos kumalat ang screenshot ng kanyang mga mensahe sa aktor na si Rob Gomez na siyang co-star niya sa “Magandang Dilag”.

At sa naganap na Zoom press briefing ng 2024 national budget at ng West Philippine Sea ngayong araw, December 22, sinubukan mg senate media na kuhaan ng reaksyon si Sen. Win ukol sa isyu.

“If you want to comment lang, Sir, doon sa Bianca Manalo issue,” tanong ng isang reporter.

Nakangiting sumagot si Sen. Win at sinabing, “no comment”.

Maratandaabg noong Miyerkules nang pagpiyestahan ng mga marites sa social media ang leaked convo ni Rob Gomez kina Bianca Manalo, Herlene Budol, at Pearl Gonzales.

Baka Bet Mo: Bianca Manalo pumalag sa isyung may ‘something’ sila ni Rob Gomez

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Batay sa screenshot ay tila nagpaplanong magkita ang dalawa ng umaga sa BGC bago tuluyang umalis ang dyowa ni Sen. Win ng “10AM”.

Naging usap-usapan rin ang pahayag ni Bianca na “He’s not here. He’s in Valenzuela” na tila tumutukoy sa senador na dati ring alkalde ng naturang lungsod.

Nauna nang nilinaw ng longtime girlfriend ni Sen. Win na ang naturang mensahe ay hindi kumpleto at tila naglalayon na magbigay ng malisya sa usapan ng dalawa.

Ayon kay Bianca, nais lang daw magbigay ni Rob ng kanyang Christmas gift sa kanya kaya sila nag-usap kung maaari silang magkita ng umaga.

Gusto raw kasi ng dyowa ni Sen. Win na makuha ito bago siya lumipad patungong Japan kasama ang kanyang pamilya.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Rob bukod sa hindi “authorized” ang pagpapalabas ng screenshots ng kanyang palitan ng mensahe sa mga co-stars ng “Magandang Dilag”.

The post Win Gatchalian sa isyu ng dyowang si Bianca Manalo: No comment appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments