Vicki Belo 7 years nang cancer-free: Every day feels like a blessing
PROUD na ibinandera ng celebrity doctor na si Vicki Belo ang kanyang journey upang maging ganap na cancer-free.
Kahapon, December 21, masayang ibinahagi ng kilalang personalidad sa kanyang Instagram account ang mga pinagdaanan.
Pag-amin ni Dra. Vicki, noong una raw ay talagang hindi siya kumportable na pag-usapan ang pagkakaroon niya ng cancer.
Ngunit dahil sa nararamdamang gratefulness ngayong holiday season ay nagdesisyon siyang ilahad na ang kanyang kwento.
“I was looking through my phone and these pictures popped up today, and these are pictures I’ve never shared before because I never even knew I took pictures of me,” saad ni Vicki kasabay ng pagpapakita ng larawan niya kasama ang asawang si Hayden Kho.
Makikitang nakasuot siya ng isang headwrap scarf.
Baka Bet Mo: Vicki Belo, Scarlet Snow sa birthday ni Hayden Kho: ‘You are such an amazing husband, father and friend’
View this post on Instagram
Unang na-diagnose si Vicki ng stage three breast cancer noong January 2016 na itinuturing niyang “very scary and difficult time” dahil hindi siya mabigyan ng assurance ng mga doktor noon kung gagaling pa ba siya at ang sinasabi lang sa kanila ay gagawin ng mga ito ang kanilang “best”.
Noong mga panahon na ‘yun ay nakaramdam siya ng takot na baka hindi niya masubaybayan ang paglaki ng kanilang anak na si Scarlet Snow na noong mga panahong ‘yun ay isang taong gulang pa lang.
Pag-amin pa ni Vicki, sumailalim siya noon sa anim na rounds ng chemotherapy pagkatapos ay nagdesisyong pumunta ng Atlanta kung saan nakatira ang kanyang kapatid para magpa-radiation therapy.
“Unfortunately, Cristalle was getting married on Sept. 16 and I wouldn’t be finishing my radiation,” pagbabahagi niya.
Baka Bet Mo: Hayden Kho, Vicki Belo nag-marriage retreat, nag-renew ng wedding vows para sa kanilang 7th anniversary
“The only way I could do that is to do double radiation every day, for like two weeks to make it, and so I felt really sick,” dagdag pa ni Vicki.
Naalala pa raw niya ang mga natanggap na pamba-bash sa kanya dahil sa pagsusuot niya noon ng wig.
Paalala ni Vicki sa mga followers na patuloy na lumalaban sa sakit na cancer, “all I have to tell you is all you have to do really is pray because our Jesus Christ with the big ‘C’ is much bigger than the cancer with small ‘c.'”
Labis rin ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na binigyan siya ng pagkakataon na makapiling pa ang mga mahal sa buhay.
“here’s to 7 years being cancer free ! Thank you God for allowing me to see @scarletsnowbelo grow up and giving my grandkids their mamita. Every day feels like a blessing,” sey pa ni Dra. Vicki Belo.
The post Vicki Belo 7 years nang cancer-free: Every day feels like a blessing appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments