Responsive Ad

Richard Gutierrez, mga anak 1 buwang nakikitira kay Annabelle Rama

Richard Gutierrez, mga anak 1 buwang nakikitira kay Annabelle Rama

Richard Gutierrez, Zion, Kai, Annabelle Rama

ISANG buwan nang nasa puder ng kanyang ina ang aktor na si Richard Gutierrez kasama ang kanyang mga anak.

Ibinunyag ‘yan mismo ng batikang aktres na si Annabelle Rama nang makachikahan ng entertainment reporter na si MJ Felipe.

“Annabelle Rama reveals that Richard Gutierrez has been staying with her for a month already,” sey sa X (dating Twitter) account ng reporter.

Lahad pa, “The kids are also with Richard.”

Mababasa rin sa post na naitanong ni MJ kung totoong hiwalay na ang kanyang anak at ang aktres na si Sarah Lahbati.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama muling ibinuking si Ruffa: Every day ka nang umiiyak

Ang tanging sagot sa kanya ni Anabelle, “Hindi pa ko pwede magsalita, pero sasabihin ko sa’yo si Richard nasa akin ngayon.”

Hanggang ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag ang mag-asawa kung totoo ang mga chikang hiwalay na sila.

Nag-umpisa amg breakup rumors nang mapansin ng netizens na hindi na nagpo-post ng pictures tigether sina Sarah at Richard sa social media.

Bukod diyan, may ilan ring nakapansin na hindi magkasama ang dalawa sa naganap na Opulence Ball.

Base sa Instagram Story ni Sarah, umalis siya kasama ang mga anak na sina Zion at Kai.

Kung matatandaan, taong 2020 nang ikinasal sina Richard at Sarah sa isang surprise civil wedding na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

The post Richard Gutierrez, mga anak 1 buwang nakikitira kay Annabelle Rama appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments