Responsive Ad

Litrato nina Gerald at Barbie nilagyan ng malisya: ‘Julia, kabahan ka na!’

Litrato nina Gerald at Barbie nilagyan ng malisya: 'Julia, kabahan ka na!'

Julia Barretto, Gerald Anderson at Barbie Imperial

PINUTAKTI ng panunukso ang hunk actor na si Gerald Anderson at ang kapwa niya Star Magic artist na si Barbie Imperial.

Nilagyan ng kulay at malisya ng ilang netizens ang litrato ng dalawang Kapamilya stars na ipinost sa Facebook page ng naturang talent arm management ng ABS-CBN.

Nakunan ng picture sina Gerald at Barbie sa naganap na Shukran Festival 2023 sa Dubai para dalawin at pasayahin ang mga kababayan nating mga Pilipino roon.

“Tatak Star Magic all the way in Dubai! Gerald Anderson and Barbie Imperial brought smiles to Kapamilyas across the globe for the Shukran Festival 2023 event!” ang nakasaad sa caption ng nasabing FB status.

Kasunod nito, umiral na naman ang kalokohan ng mga netizens at tinuksu-tukso ang dalawang Star Magic talents.

Bagay na bagay din daw kasi sina Gerald at Barbie at may chemistry kaya kabahan na raw ang girlfriend ng aktor na si Julia Barretto.

May ilan namang nagkomento na sana’y pagtambalin ng ABS-CBN si Ge at Barbie dahil siguradong magiging hit daw ito dahil bago, fresh at may kilig din ang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa picture nina Gerald at Barbie.

Baka Bet Mo: Hirit ni Ellen sa kwelang netizen: Baka sa part 2 ng panaginip mo patay ka na! Joke!

“Bakit parang ako ang kinakabahan para Kay Julia!?”

“Pag may nkakaloveteam c gerald kinakabahan ako lagi.”

“Anung kabahan? Nasa puso na ni sir gerald si julia barreto mga guys..hehehe!”

“Kabahan na c Julia nko maganda pa nman c barbie ska sexy.”

“Kabahan kna Julia Barretto. Anong sey mo sa BF mo at sa ex BF ni Diego Loyzaga?”

“HAHAHAAHAA talagang dapat ka ng kabahan Julia!”

“Manalangin ka na Julia ,uso hinihiwalayan ang walang hinaharap!”

“Kay Julia ka nalang Gerald at least si Joshua lang naging ex saka di ma rant, marunong kung kailan magsasalita at hindi.”

“Feeling ko tlga Bago mag 2024
May maghihiwalay nanamn na couple  at Ang 3rd party c Barbie Imperial.wag nmn sana.”

The post Litrato nina Gerald at Barbie nilagyan ng malisya: ‘Julia, kabahan ka na!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments