Responsive Ad

Pambansang Kolokoy nilinaw na hindi naging ‘babae’ si Gladys Gueverra: Everything was just a collaboration

Pambansang Kolokoy nilinaw na hindi naging 'babae' si Gladys Gueverra: Everything was just a collaboration

SA pagpapatuloy ng panayam ng social media influencer na si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy kay Ogie Diaz ay klinaro niyang hindi niya naging babae ang TV host/comedienne na si Gladys Guevarra.

Isa kasi ang komedyana sa binabanggit ng netizens na kaya maghiwalay sina PK at dating asawang si Grace Mondina o mas kilala bilang si Maritess.

“Oo nga which is everything was just a collaboration,” kaswal na sabi ni Joel kay Ogie.

Tumayming naman kasi na napapanood sa vlog ni PK na sweet-sweetan sila ni Gladys sa vlog nito na pinalalabas na magkasama na sila sa bahay ng una at nakikitang inaalagaan nito ang anak ng vlogger na si Juju na mag-iisang taon na ngayong 2023.

May video pang para makabawas ng gastusin sa araw-araw ay in-online selling ni Gladys ang branded sneakers ni PK bagay na ikinaloka nito.

Nakailang series of vlogs din sina Joel at Gladys at natigil na ito na wala namang ibinigay na dahilan ang una.

May sitsit na nagseselos na raw kasi ang nanay ni Juju kaya waley na si Gladys at ang ipinalit ay magandang babae na present wife ni PK at sa kalaunan ay kasama na rin ang biyenan nito o ina ng girl.

Maganda ang girl, pero nagdadalawang isip kami kapag napapanood namin ang vlog kung ito nga ang ina ni Juju kasi walang nakuhang features at higit sa lahat parang sobrang bata for PK, pero sabi nga, age doesn’t matter.

At sakto sa panayam nga ni Joel kay Ogie ay inaming hindi ito ang ina ni Juju kundi collaboration lang din ito.

Baka Bet Mo: Marites Mondino inaming nais ng kanilang anak na magkabalikan sila ni Pambansang Kolokoy pero…

Tanong ni Ogie, “So, itong mag nanay ay collaboration din at wala kang inaamin kasi sa mga comments naman ay bina-bash din ‘yung mag-ina parang kunsintidora pa raw ‘yung nanay, aware ba ‘yung ka-collab mon a posibleng makabasa sila ng mga ganu’n comments?”

“Yeah kasi sinabihan ko naman sila kung ano ang magiging epekto ng pakikipag-collab nila sa akin lalo na kung magiging ganu’n ang role nila sabi nila ‘okay lang.’

“Kasi gusto rin nilang ma-build ‘yung community niya kasi gusto rin naman nila ng vlogging,” paliwanag ni PK.

Balik-tanong ni Ogie, “okay, so walang katotohanan ‘yung mag-nanay na iyon ang biyenan mo at ‘yung girl (nanay ng anak mo?”

“Wala, collaboration lang,” paniguro ni PK.

Sakai naming never lumabas pa sa social media ang present wife niya o ina ng bunso niyang anak na si Juju.

“’Yung wife ko ngayon never lumabas sa videos,” kaswal na sabi.

Hirit ni Ogie, “kasi siya rin nahuhusgahan?”

“Oo kaya hindi siya lumalabas kasi siya ang kawawa,” sabi nito.

Sa tanong ni Ogie kung paano niya dinedepensa ang nanay ng bunso niya.

“Minsan nga sumasama ang loob niya kasi dahil nga ako ayaw kong magsalita na sa tingin niya ay hindi ko siya kayang ipagtanggol.

“Ang usapan namin palagi kapag mayroon siyang naririnig hindi man lang daw ako mag-reply. Kasi nga sabi ko kung magre-reply ako may susunod (bashing) na naman, paulit-ulit na lang. Kaya minabuti ko talagang manahimik.

“Siya talaga ang sobrang naapektuhan. Dahil siya talaga ang sobrang dinidikdik ng mga tao dahil nga sa nangyari,”paliwanag mabuti ni Pambansang Kolokoy.

Tanong ulit ni Ogie, “so, ang nagtrigger ng lahat ng ito na kailangan ko ng magsalita ay ang mga netizen na dyina-judge kayo or si Grace na nagsasalita pa rin ba siya?”

“Both,” mabilis na sabi ni Joel.

Ang tukoy nito ay may mga pasaring pa rin ang ex-wife sa mga posts nito sa social media accounts niya.

“Puro patama pa rin sa akin, ang hindi ko lang maintindihan matagal na kaming divorce, final na ‘yung divorce namin hindi naman akoi nagkulang sa mga bata kung bakit ayaw pa kaming tantanan, iyon lang ang hindi ko maintindihan.

“Kasi never ko naman siyang siniraan sa social media, pero siya (Grace) ultimo financial, inilalabas niya.

Ang mga cryptic posts ay, “naglabas ng ganyan ‘yan, pero sa totoo lang walang pera ‘yan.”

“Paano mo sasagutin ‘yun?” tanong ni Ogie.

“Hindi ko sinasagot, pinababayaan ko lang. Bahala na sila (ibang tao) kung anong sabihin nila. Ganu’n lang palagi bahala na sila kung anong sasabihin nila. Ako lang naman ang nakakaalam, eh, kung alin ang totoo. Siya rin hindi rin naman niya alam. Siguro that’s what she thinks. Is she 100% sure, hindi,”katwiran pa ni PK.

Masaya ba si Joel Mondina ngayon, “sobra (emosyonal) kasi nga kasama ko ngayon ang magulang ko, eh. Nakakapag-bonding kami ng maayos. Nakakauwi ako ng Pilipimas na nakikita ko ang tatay ko. Kasi (dati) kapag umuuwi ako ng Pilipinas nandidiyan (magkalapit ng bahay) lang ang tatay ko hindi ko sinilip, never kong sinilip dahil ayaw nu’ng isa (Grace).”

Sa kasalukuyan ayon kay Ogie ay nasa Pilipinas si Joel o PK.

“Uuwi rin siya (Amerika) ini-enjoy muna niya ang tatay niya,” sabi ni Ogie sa amin.

At kaya flexible ang oras ni Joel sa trabaho ay, “naka-work from home siya” say ulit ni Ogie.

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Ms Grace o Marites tungkol sa mga pahayag ng ex-husband niyang si PK.

 

Related Chika:
Pambansang Kolokoy hiniwalayan si Marites Mondina nang palayasin sa bahay: ‘Kailangan nang itigil ‘to kasi hindi na healthy ang relationship’

Pambansang Kolokoy negang-nega sa mga fans ni Marites, pero mukhang happy naman sa bagong ‘life’

The post Pambansang Kolokoy nilinaw na hindi naging ‘babae’ si Gladys Gueverra: Everything was just a collaboration appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments