Julie Anne, Rodjun ipinagdiwang ang birthday ni Rayver, parehong may ‘sweet’ message sa socmed
DALAWANG mahal sa buhay ng Kapuso actor na si Rayver Cruz ang masayang nagdiwang ng kanyang ika-33rd birthday.
Sila’y walang iba kundi ang kanyang girlfriend na si Julie Anne Santos at ang kanyang kapatid na si Rodjun Cruz.
Sa Instagram, ibinandera ni Julie Anne ang ilang sweet photos nilang mag-dyowa at inihayag pa ang kanyang pagka-proud sa aktor.
“You are simply amazing in the greatest ways I can ever imagine and I’m so proud of you,” caption niya sa IG.
Mensahe pa niya, “The love and friendship we share, your willingness to walk through life with me, and the joy you bring to many are only few of the things I consider blessings because you are a beaming ray of light that makes everything a whole lot better.”
“Today is extra special and we’re celebrating you. Happiest birthday to the man who makes my heart the happiest!,” pagbati ng singer-actress.
Aniya pa, “May God grant you your heart’s desires and unlimited blissful days yet to come. I love you”
Baka Bet Mo: Julie Anne handa nang makipagbardagulan sa ‘The Voice Generations’, relate much sa kaba ng contestants
View this post on Instagram
Napa-reply naman sa kanya si Rayver at sinabing, “Ikaw pinaka magandang blessing na natanggap ko sa buhay ko I love you so much my love thank youuuu.”
Samantala, sa IG post naman ni Rodjun ay makikita na nagkaroon ng simpleng handaan si Rayver sa kanyang bahay kasama ang kanyang pamilya.
Kwento pa ng kapatid ni Rayver, “Birthday Salubong of my brother King @rayvercruz! Hindi ko na pahahabain ang message ko sayo. Alam ko na alam mo na Sobra kitang Mahal. Tandaan mo na I got your back always.”
“Proud na proud ako sayo! Sobrang happy ako para sayo sa dami ng blessings na natatamo mo,” lahad ng aktor sa post.
Dagdag pa niya, “Alam ko din na sobrang saya ng puso mo ngayon. Siguradong Sobrang proud sayo at happy sila Mama & Papa in Heaven. Solid tayo Forever.”
“Happy happy birthday my baby brother Ray! [birthday cake emoji] God bless you always & in all ways,” sambit ni Rodjun.
View this post on Instagram
Bumati rin sa kaarawan ng aktor ang ilang kapwa-celebrities, katulad ni Maxine Medina, Jak Roberto, Jo Berry, Gardo Versoza, at marami pang iba.
Related Chika:
The post Julie Anne, Rodjun ipinagdiwang ang birthday ni Rayver, parehong may ‘sweet’ message sa socmed appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments