Responsive Ad

Dyowa na ba niya si Janine…hirit na sagot ni Paulo: Kung gugustuhin niya, OK lang po sa akin

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

TULAD ng paniniwala ng kanilang mga fans, feeling din namin matagal nang may namamagitang “something” sa pagitan ng Kapamilya stars na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Nakachikahan namin ang rumored couple kasama ang ilan pang miyembro ng entertainment media pagkatapos ng private screening ng bago nilang pelikula, ang “Ngayon Kaya” mula sa T-Rex Entertainment.

Dito nga naitanong kina Janine at Paulo kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon o paano ba nila ito ile-label.

Tugon ni Paulo, “Ayos naman kami, ayos naman kami.” Sundot na tanong sa kanya kung sila na ba talaga tulad ng sinasabi ng kanilang mga tagasuporta.

“Kung gugustuhin po ni Janine, e, di…okay lang po sa akin,” ang paiwas na sabi ni Paulo sabay tingin sa kanyang leadinfg lady.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by T-Rex Entertainment (@trexprodph)


Natawa naman ang aktres sabay dialogue ng, “Kung pahihintulutan po ako. Ha-hahaha! Ako po kasi, I’m just really happy.

“Kasi, looking back at the film na sinyut nga namin nu’ng 2019, and seeing it now after everything else that we’ve done, parang nakakatuwa.

“Kasi, yung tema din ng pelikula na if things are meant to be, they’ll be, parang ganun din yung nangyari sa amin ni Pau.

“Na nagkaserye, may mga kasunod na project, and then, parang nag-full circle na. Pati ito, maipapalabas na sa mga sinehan,” pahayag pa Janine sa mediacon ng “Ngayon Kaya” na ginanap sa Sine Pop, Cubao sa Quezon City.

Samantala, nagkuwento rin si Paulo tungkol sa pagkikita nila ng anak nila ni LJ Reyes na si Aki sa New York, USA noong magkaroon sila roon ni Janine ng series of shows kasama si Ogie Alcasid.

Hindi na nga niya pinalampas ang pagkakataon na makita at makasama muli ang anak na matagal na niyang hindi nakakapiling mula nang lisanin ni LJ ang Pilipinas kasama ang anak kay Paulo at kay Paolo Contis.

“Nilabas ko yung anak ko, pero hi-hello,” pahayag ni Paulo.

“Okay naman siya. Masaya naman siya sa New York. Nakapag-adjust naman nang maayos. Masaya naman sila doon,” kuwento pa ng Kapamilya actor.

Tinanong din si Pau kung paano niya ipinakilala si Janine kay Aki, pero bago pa makasagot si Pau ay humirit na agad ang aktres ng, “As Janine! As Janine, anak ni Lotlot, charot!”

“Kasi, may kasama ring kaibigan si Janine noon, so…” ang biting sey pa ni Pau.

Napanood na namin ang “Ngayon Kaya” at sure na sure kami na hindi masasayang ang effort at pera n’yo kapag pinanood n’yo ito sa mga sinehan simula sa June 22.

Ito’y sa direksyon ni Prime Cruz at ka-join din sina Rio Locsin, John James Uy, Donna Carriaga at Alwyn Uytingco.

Paulo diretsahang tinanong si Janine: Type mo raw ba ako? Jojowain o totropahin?

Janine Gutierrez may kwelang ‘before and after’ photo; hindi inaakalang mag-aartista

Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective

The post Dyowa na ba niya si Janine…hirit na sagot ni Paulo: Kung gugustuhin niya, OK lang po sa akin appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments