Responsive Ad

36 kandidata maglalaban-laban sa 4 titulo at korona ng Miss World PH 2022; sino kaya ang papalit sa trono ni Tracy Perez?

NGAYONG gabi na kokoronahan ang maswerteng kandidata na tatanghaling Miss World Philippines 2022 na siyang papalit sa trono ni Tracy Maureen Perez.

Tatlumpu’t anim na beauty queen ang maglalaban-laban sa grand coronation na magaganap na tonight sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Apat na titulo at korona ang naghihintay para sa mga kandidatang magsa-shine sa finals night — ang Miss World Philippines, Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines at Reina Hispanoamericana Filipinas.

Bukod dito, may tatanghalin ding Miss Eco Teen Philippines, First Princess at Second Princess.

Siguradong ngayon pa lang ay may mga choices na ang mga Filipino pageant fans para sa mga titulong ipamimigay ng Miss World Philippines organizers.

Ito’y base na rin sa naging resulta ng mga fast-track challenges na pinagdaanan ng mga official candidates nitong mga nagdaang linggo.


Last Friday, June 3, inilabas na ng Miss World Philippines Organization ang Top 10 finalists para sa top model competition sa pamamagitan ng kanilang official Instagram account.

Pasok dito sina Patricia McGee (Zambales), Alison Black (Las Pinas City), Cassandra Chan (San Juan City), Aliana Joaquin (Bacoor City), Beatriz McLleland (Aklan), Gwendolyne Fourniol (Negros Occidental), Paula Ortega (Albay), Ingrid Santamaria (Paranaque City), Ashley Montenegro (Makati City)  at Carla Manuel (Manila).

Sa mismong coronation night ia-announce ang magwawagi sa nasabing fast-track challenge kung saan ang magiging batayan ng pagpili ay ang modeling skills (50%), beauty (25%), at elegance and sophistication (25%).

Ang mananalo rito ay sigurado nang pasok sa Top 16 pati na rin ang mapipiling winner sa iba pang challenges tulad ng “Head to Head”, “Sports Challenge”, “Beauty with a Purpose” at “Talent.”

Last May 26 naman ay inilabas din ng Miss World Philippines organization ang Top 11 finalists para sa national costume competition, pero hindi ito kasama sa fast-track challenge.

Sino nga kaya ang kokoronahan ni Tracy Maureen Perez bilang bagong sa Miss World Philippines 2022 na siyang magiging bet ng Pilipinas sa Miss World 2022 na posibleng maging second Miss World ng bansa after Megan Young.

Life story ni Miss World PH 2021 Tracy Perez pang-MMK at #MPK; hindi bet noon ang beauty pageant

Tracy Maureen Perez 3 beses pinatunayan na karapat-dapat siyang maging Miss World

Miss Benguet hindi nakasali sa Miss Universe PH 2022 finals night, anyare?

The post 36 kandidata maglalaban-laban sa 4 titulo at korona ng Miss World PH 2022; sino kaya ang papalit sa trono ni Tracy Perez? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments