Responsive Ad

Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil!

Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil!

HINDI na nakapagpigil si Unkabogable Star Vice Ganda sa mga taong ginawang hobby ang pagpapkalat ng mga maling impormasyon sa social media apps gaya na lang ng TikTok.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi ng “It’s Showtime” host ang isang screenshot ng TikTok video na naglalaman ng maling balita.

“Ang daming fake news at wrong information sa TikTok! Haaay!

“Mga contents na pag-aawayin ang mga tao. Uudyukin kayo para magalit. Ang daming masasamang tao na lalong pinapagulo ang mundo. ‘Wag kayong pabiktima,” saad ni Vice Ganda.

Naglalaman kasi ang video ng diumano’y reaksyon daw ni Vice Ganda ukol sa ginawa ng kanyang kaibigang si Toni Gonzaga.

Subalit ang katotohanan ay wala namang direktang pahayag ang komedyante ukol sa isyu ng kaibigan ukol sa pag-eendorso nito sa isang senatorial candidate na bumoto kontra sa non-renewal ng ABS-CBN franchise at maging sa isyu ng paglisan nito bilang main host sa reality show na “Pinoy Big Brother”.

Isa sina Vice at Toni sa mga artistang matagal nang magkakilala at nakabuo na rin ng magandang pagkakaibigan sa industriya.

Nagkasama rin noon ang dalawa sa pelikulang “This Guy’s In Love with U Mare!” noong 2012.

Sey pa ni Vice, “Sobrang rampant na ‘yung mga dumudukot sila sa iba’t ibang clips from different sources tapos tinatahi para makabuo ng isang peke at maling video.

“Ang evil! Tapos ‘yung mga tao naman nahuhulog sa patibong at nagko-comment ng masasama.”

Agad namang nagpaalala si Vice na maging matalino ang madlang pipol at suriing mabuti ang mga pinapanood bago ito paniwalaan.

“Maging mas mapanuri sa mga contents na pinaniniwalaan.”

Related Chika:
Herlene Budol 3 years nang may karelasyon na non-showbiz: Nakilala ko siya sa dating app!
Jennica sa pagpatol sa malisyosang basher: I repaid evil with evil, hindi dapat tularan…

The post Vice Ganda umalma sa mga nagpapakalat ng fake news: Ang evil! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments