Responsive Ad

Madam Inutz ready na kay Piolo: Oks na oks po sa akin ang may bed scene!

Madam Inutz ready na kay Piolo: Oks na oks po sa akin ang may bed scene!

WAGING-WAGI ang social media personality at dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate na si Madam Inutz dahil pasabog agad ang kanyang proyekto pagkalabas sa pinakasikat na bahay sa buong bansa.

Hindi man siya ang hinirang na isa sa Top 2 celebrity housemates sa nagdaang “Pinoy Big Brother Kumunity” pero blessed pa rin siya dahil isang proyekto agad mula sa Kapamilya network ang kanyang pagkakaabalahan at big stars pa ang kanyang makakasama!

Matatandaang noong January 7 ay ibinahagi ng Mama-bentang online seller na makakasama niya sa lock-in taping ang pantasya ng bayan na si Piolo Pascual kaya naman todo paganda ito para naman daw hindi nakakahiya kapag tumabi siya sa aktor.

At ngayon ngang nagsisimula na ang kanilang lock-in taping ay hindi maiwasan ni Madam Inutz ang kiligin nang personal na niyang makita si Papa P.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanilang first selfie.

“Mga inutz, look oh! Papa P! Pinagpapantasyahan ko lang ito dati nung dalaga pa ako. Ngayon kasama ko na sa mga ganap sa eksena,” saad ni Madam Inutz.

Biro pa niya, “Direk, oks na oks po sa akin ang may bed scene! Charot lang kasi harot lang inutz. Ito ang ngiting tagumpay.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DAISY LOPEZ (@daisyinutz)

Happy naman ang madlang pipol sa bagong blessing ng social media personality.

“Ibang level na si Madam! Congrats po!” comment ng isang netizen.

“Wow! Ikaw na talaga Madam! More projects, please!” saad naman ng isa pa.

May humamon naman kay Madam Inutz na murahin ang aktor dahil nakilala ito sa pgmumura sa mga taong tumatambay lang sa kanyang online live selling pero hindi naman bumibili.

May post rin ito kung saan makikitang nag-iinuman sila nila Piolo kasama ang iba pang cast ng show.

“Nomo time muna with Papa Pi‼ Kilala n’yo si Inutz n’yo. Kapag may alak, may _____.” saad niya sa kanyang post.

Maliban kay Piolo ay makakasama rin ni Madam Inutz sa proyekto sina Angelica Panganiban, Pepe Herrera, Katya Santos, Alora Sasam, at iba pa habang si Cathy Garcia-Molina naman ang direktor ng nasabing show.

Related Chika:
Bea ayaw munang makatambal si Dominic sa kahit anong proyekto: Parang mas magwu-work kami ng ganito
Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil

The post Madam Inutz ready na kay Piolo: Oks na oks po sa akin ang may bed scene! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments