Joshua kumain daw sa carenderia sa Bulacan: Ang kutsara na ginamit niya naitabi po namin
Joshua Garcia
ALIW na aliw kami sa post ng isang carinderia sa Bulacan na ibinalitang kumain doon ang actor na si Joshua Garcia.
Sa post ng Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery sa kanilang Facebook account ay ito ang nakasulat: “Joshua Garcia and Jeffrey Santos kahit sila nasarapan sa AJ bagnet plain rice.
“At ang kutsara na ginamit ni Josh naitabi pa po namin. Kaya tara na island talipapa palmera 588b sjdm. 24hrs po kami.”
Ang daming nag-react lalo na noong nag-comment ang isa yatang may-ari ng resto who said, “Binebenta po namin ang pinagkainan niya hahaha.”
Kaaliw ang reaction ng madlang pipol sa kanilang Facebook post.
“Pakitabi po ng spoon na ginamit ni Joshua, gagamitin ko po kapag kakain ako dyan. Huwag niyo na po hugasan hahaha.”
“How much po? HAHAHAHAHA!”
“Sabi ko sa inyo kumain na tayo dito, sana nakita ko na si baby Joshua.”
“Pre, kumain din tayo dito buti hindi ako nakilala.”
“Nandito pala kamukha natin malas niya di nya tayo inabutan hahaha.”
Iba na talaga ang status ni Joshua. Siya na ang kinikilalang Tiktok King base na rin sa milyong nakapanood ng kanyang post sa nasabing app na click na click ngayon sa mga kabataan.
* * *
Kaisa ang Sagip Pelikula ng ABS-CBN Film Restoration at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pagpapalabas ng restored Pinoy classics nang libre sa “Mga Hiyas ng Sineng Pilipino” sa Manila Metropolitan Theater (MET) simula Peb. 20 (nitong Linggo).
Ipalalabas muli ng mga natatanging pelikulang Pilipino noon sa pinilakang-tabing, na sinagip at pinaganda para mapanood muli ngayon at sa susunod pang mga panahon.
Kabilang sa mga ipalalabas ang award-winning 1995 romantic-drama hit ng Star Cinema na “Sana Maulit Muli” tampok sina Aga Mulach at Lea Salonga.
Mapapanood muli ng madla ang pag-iibigan nina Jerry (Aga) at Agnes (Lea) at kung paano susubukin ang kanilang relasyon matapos mag-abroad si Agnes para makasama ang nawalay na ina habang gugugulin naman ng binata ang sarili sa pagtatrabaho para sa kanilang kinabukasan.
Matapos ang ilang mga hamon, hindi nagtagal ay naghiwalay ang dalawa pero desidido si Jerry na sundan si Agnes sa Amerika para magsimulang muli.
Ihahatid din ng FDCP at ng Philippine Film Archive (PFA) ang ilan pang mga digitally restored na obra noon, tulad ng “Dalagang Ilocana” (1954) na pinagbidahan nina Gloria Romero, Dolphy, Ric Rodrigo, at Tita de Villa sa direksyon ni Olive La Torre; at “Pagdating sa Dulo” (1971) na pinangunahan ng Pambansang Alagad ng Sining na si Ishmael Bernal tampok sina Rita Gomez, Eddie Garcia, Vic Vargas, Rosemarie Gil, Ronaldo Valdez at iba pa.
Mapapanood din nang libre sa darating na Linggo ang “Dalagang Ilocana” ng 10 a.m., “Pagdating sa Dulo” ng 1:30 p.m., at “Sana Maulit Muli” ng 3 p.m..
Para makakuha ng libreng tickets kada pelikula, magparehistro online sa bit.ly/DLsaMET para sa “Dalagang Ilocana,” bit.ly/PSDsaMET para sa “Pagdating sa Dulo,” at bit.ly/SMMsaMET para sa “Sana Maulit Muli.”
Epekto kay Meryll ng bipolar disorder: Wala akong energy sa life, gustong kumain nang kumain
Aiko naaksidente sa loob ng CR matapos kumain ng spicy ramen: Malalim ‘yung sugat at putok ng ulo ko
The post Joshua kumain daw sa carenderia sa Bulacan: Ang kutsara na ginamit niya naitabi po namin appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments