Responsive Ad

Bistek malaki ang utang na loob sa showbiz, ipaglalaban ang tax relief para sa entertainment industry

Herbert Bautista

BILANG bahagi ng showbiz, maraming naiisip si dating Quezon City Mayor at senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista para matulungan ang mundong pinagkakautangan niya ng loob.

Isinusulong ni Bistek ang pagbibigay ng tax relief sa lahat ng mga manggagawa sa entertainment industry lalo na ang mga mawalan ng trabaho at kita dulot ng COVID-19 pandemic. 

“Ang magagawa natin sa maikling panahon ay ang ibaba ang buwis o huwag na muna silang buwisan,” pahayag ni Herbert sa isang forum na inorganisa ng CNN Philippines. 

Aniya, maraming comedy bars at iba pang establisimyento ang halos magsara dahil sa pandemya dahil na rin sa pagkaunti ng kanilang parokyano, bunsod na rin ng ipinatutupad na restriksyon ng gobyerno para hindi kumalat ang virus. 

Ayon pa sa actor-politician na sumikat talaga noong dekada ’80 dahil sa kanyang mga pelikula, nakikipag-usap na siya sa ilang mambabatas hinggil sa iminumungkahing Creative Industries Act na magbibigay ng mas matagalang benepisyo sa mismong industriya ng aliwan sa Pilipinas. 

Bagaman may subsidyo sa ilalim ng Bayanihan 2 Act, para sa mga entertainers na nawalan ng hanapbuhay dahil sa Covid-19 pandemic, maituturing na band-aid solution lamang ito at hindi makatutulong sa pangmatagalan, paliwanag pa niya.


Dagdag pa ng dating alkalde kung maisasabatas ang Creative Industries Act, hindi lamang indibidwal ang makikinabang kundi maging ang buong industriya mismo. 

Matatandaang nang maging alkalde ng Quezon City, naging pangunahing tagapagtaguyod ng sining at kultura si Bistek.

Tumatakbo sa ilalim ng UniTeam, pangunahing plataporma ni Bautista sa pagkasenador ang pagsusulong ng Internet Reforms, Livelihood for All at Youth Protection and Welfare. 

Kris may inamin tungkol kina James at Bistek; pinayuhan si Bimby sa pakikipag-date

Kampo ni Bistek nagreklamo na sa PNP Anti-Cyber Libel Group para hantingin ang FB hacker

The post Bistek malaki ang utang na loob sa showbiz, ipaglalaban ang tax relief para sa entertainment industry appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments