Responsive Ad

Alodia Gosiengfiao sexy na, nagpa-lipo pa; may ‘salbabida’ raw kasi sa tummy

Alodia Gosiengfiao

WALANG arte-arteng inamin ng cosplayer at online gamer na si Alodia Gosiengfiao na sumailalim din siya sa liposuction para matanggal ang kanyang unwanted fats.

Sa lahat ng mga nagtatanong kung bakit kailangan pa niyang magpa-lipo e, ang seksi-seksi na niya, sabi ni Alodia magaling lang daw siyang magtago ng taba-taba sa pamamagitan ng isinusuot niyang mga damit.

Mismong ang celebrity beauty doctor nang si Vicki Belo ang nagsabi sa sikat na vlogger at cosplayer na meron talaga siyang unwanted fats. 

“I have fats in my tummy which I can’t really get rid of,” sey ni Alodia bago magpakonsulta kay Vicki na mapapanood sa isang YouTube video.

Dito, ibinahagi nga ni Alodia ang mga “magic tricks” na ginagawa niya para magkasya ang kanyang OOTDs matapos mag-gain ng weight dahil sa mga unwanted fats sa iba’t ibang bahagi ng katawan niya.

Pag-amin ni Alodia, “Recently I’ve been wearing corsets for my costumes ganyan. I try to incorporate it para it’s nice na glass-shaped. 

“Before, I can do spandex, mga latex ganyan. But now I try to compensate and make it better through other ways. Sana mabalik lang what we can do before,” kuwento ng cosplayer.

Comment naman ni Vicki sa naging pahayag ni Alodia, “It’s such freedom to do liposuction because wala nang corset, wala nang false advertising. Maganda ‘yung when you look at yourself, you look really fit.”

At habang tsine-check nga ng misis ni Hayden Kho ang katawan ni Alodia, diretsahan nitong sinabi na parang may “gulong” sa kanyang katawan. 

“I was looking at your body, Alodia, and meron siyang parang tire talaga, ‘yung salbabida. It’s a small salbabida pero you can really kurot, kurot it. So, I’m sure it really feels uncomfortable,” ang pagpapakatotoo ni Vicki.


Ito ang nakalagay na description sa napanood naming video, “Alodia wanted to get rid of the stubborn fat around her abdomen and waist area, but diet and exercise alone seemed to be ineffective. 

“She decided to consult with the expert herself, Dr. Vicki Belo, to see if 360 Liposuction would be a great option. Watch as she shares some parts of her journey with us.”

Samantala, makalipas ang ilang buwan bumalik nga si Alodia kay Vicki para ipakita ang naging resulta ng kanyang pagpapa-lipo na tinawag pa niyang “great investment.”

“Pero guys, maganda. It’s gone, I don’t have a puson anymore. Before kasi, I had a puson. Like you can grab it. Like even if I exercise, hindi siya nawawala. But now, it’s gone,” chika pa ng sikat na vlogger at game streamer.

Alodia Gosiengfiao may pak na pak na hugot sa lovelife: Hi! Ako nga pala yung sinayang mo…

Alodia nilinaw ang ‘Ako nga pala ang sinayang mo’ viral post: So sorry for the confusion

Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

The post Alodia Gosiengfiao sexy na, nagpa-lipo pa; may ‘salbabida’ raw kasi sa tummy appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments